CHAPTER 2
Balik school!!! Woo! Mantakin niyo yun, 4 years na pala ako dito sa school namin. Ang East Side Science High School! Hindi man kagandahan, hindi man kalakihan, may maipagyayabang naman. Hahaha
Dumiretso muna ako sa may bulletin board, wala lang. Tingin lang ng section kahit nung summer ko pa alam.
and nagulat naman ako sa nabasa ko.
"FRESHMEN ORIENTATION - 12:00nn to 1:00 pm. ESSHS Gym"
.
.
.
"SENIORS CAREER TALK - 1:00 pm to 5:00 pm. ESSHS Gym"
I mean, whut. Seriously. May 10 months pa ako para pagisipan ang tungkol dyan. Pssh.
Pero since senior na, bawal ang pasaway. Sunod lang ng sunod. Gusto ko din naman makagraduate noh. Hahaha
The usual flag ceremony then punta sa beloved section na IV-B. Grabe, kasawa na din pala kasama tong mga tao na to. Sila't sila lang din nakikita ko every year. Lol.
Kwentuhan. And syempre punta sa pwesto ng barkada. Ayy bastos ulet. Pakilala ko na nga sila. Lima kami sa barkada actually.
Si Liz na ang pinaka daldalerang babae na makikilala mo.
Si Mark na captain ng swimming team.
Si Celine na kung minsan Princess na tawag namin sa kanya kasi super yaman naman niya talaga. Pero mabait yan.
And si Cris na kapwa volleyball player ko and class president evey single year.
You know what's funny???
Lahat sila mag bf/gf. Sina Liz at Cris and sina Celine and Mark. Pare parehas pa nga sila ng monthsary eh. Sukob?!
Yes. FA po ako. As in Forever Alone. Besides who needs a girlfriend kung ansaya saya niyo naman magkakabarkada.
But still...
(Hep hep hep. Tama na tong drama. Balik na! :D )
"Mik!!!" tawag sakin ni Liz.
"Mik!!!" tawag naman ng iba.
Hinug ako ng mga girls at nakipag bro fist sa mga guys.
"Long time no see bro. Where have you been? Wala ka sa lahat ng gala nung summer ah." sabi ni Mark.
"Naghanap na siguro ng gf pre. hahaha" asar naman nito ni Cris.
Hayop talaga tong mga to.
"Hindi lang nagpapansin, naghanap na agad? Umuwi ako sa probinsya. Seriously. Alam niyo ba yun?"
"TALAGA?!" sabi nila sabay-sabay.
Tignan niyo, mga hayop talaga.
"Badtrip naman kayo. Makaalis nga." sabi ko.
"Ui ui ui Mik joke lang! Alam naman namin yun syempre." sabi ng girls.
So kwentuhan ng kwentuhan na lang kami. Biglang...
*KRRRRRIIIIIIINNNNGGGGGG*
Pasok ang kinatatakutan naming teacher since pers year. Si Maam Reyes. Seriously. Bakit ba lahat ng matandang dalaga na teachers ay terror?!
Upo kaagad lahat. 45 degrees, stomach in, chest out. Military style eh. Badtrip. Kung kelan fourth year na, dun nagkaroon ng strict na teacher.
Waa! Sana 1:00 na para makaalis na sa room na to.
Actually nagsasalita si Maam Reyes pero ang nap process lang ng brain ko is
"Blah blah blah. The principal blah blah blah. School rules are blah blah blah."
Paulit ulit every year. Nagr reading ng scripts kasi ata ang mga teachers tuwing summer. Ewan.
*KRRRRRIIIIIIINNNNGGGGGG*
Sa wakas! Lunch na!!!
(a/n: lol. layo pa ng love story mga dre. Unting tiis na lang. Lalabas na din yun. :)) Salamat sa mga nagbasa! :)) )

BINABASA MO ANG
Will You Be My Trinoma Girl?
Teen FictionPaano kung sa isang lingon mo lang pala, nahanap mo na pala ang tunay na pag-ibig na pilit lumalayo mula sayo?