Chapter 9
Hiniram ko yung pickup truck na nasa may kapihan at nag-drive papunta kina Sophia.
Nang dumating ako ay bumusina lamang ako sa gate at pinagbuksan ako ng katiwala nang makilala ako.
Tumango ako at ngumiti nang batiin ako.
Nang bumaba ako ng sasakyan ay nakita ko kaagad si ninang na nakaabang sa akin sa harap ng pintuan. Agad akong lumapit at nagmano.
"Hijo, buti naman at pumunta ka rito. Tumawag ang Mama mo kanina at sinabing darating kayo. Nasaan ang mga kaibigan mo? Sana ay isinama mo na rin dito," sabi ni ninang at ngumiti lang ako.
"Naku Ninang, ang kukulit at ang likikot ng mga iyon. Nakakahiya sa inyo at kay Congressman."
"'Ku, hayaan mo iyong ninong mo," sabi ni ninang.
"Nasaan po pala si Congressman?" tanong ko.
"Nasa opisina niya, babalik din iyon mamayang tanghali," sabi ni ninang at pinapasok na ako sa loob ng bahay. Naupo kami sa may sala at parang nanlambot agad yung tuhod ko at napaupo na lang ako sa sofa.
Naroon ang pictures ni Sophia. May pictures doon na ngayon ko lang nakita. Baka personal niyang ibinibigay kina ninang. Sana pala ay humingi rin ako ng pictures imbes na tanginang send nudes ang alam ko.
"Nagkakausap ba kayo ni Pia?" tanong ni ninang, habang makahulugang nakangiti sa akin.
"Hindi nga po nitong mga nakaraan," sabi ko at napakamot ako sa ulo.
"Ay sandali hijo at tawagan natin, tiyak na gising pa 'yon." Pumasok si ninang sa kwarto, paglabas niya ay may dala na siyang laptop.
Tinawagan ni ninang si Sophia at mabilis ang nagsagot nito. Lihim akong napasimangot.
"Hi, Mommy, what's up?" sagot ni Sophia at ang ganda ng ngiti niya. Hindi niya pa ako kita dahil kay ninang pa lang nakatapat ang laptop. Tangina, gusto kong yapusin.
"Hello, anak, may nakaka-miss sa 'yo rito." Bigla akong nasamid sa sinabi ni ninang.
"Sino po?"
Hindi umimik si ninang at pinihit na lang sa gawi ko iyong laptop. Mabilis na nawala iyong ngiti at magiliw na bati niya kanina.
"Hey," bati ko sa kanya at alanganing ngumiti.
"Mag-usap muna kayong dalawa at may kukuhanin lamang ako sa itaas," sabi ni ninang.
"Ma!" sigaw ni Sophia pero tila walang narinig si ninang at dumeretso lang sa hagdanan paakyat.
"I'm sorry," sabi ko.
"May sasabihin ka pa ba? Busy kasi ako," sabi niya at pumaling sa ibang direksyon.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Nag-aayos ng requirements for graduate school," balewala niyang sagot. Parang gusto kong sunugin ang kung sino mang nakaisip ng graduate school na 'yan. Lintik na 'yan, sagabal sa amin.
"I see. Good luck sa studies mo, sana matapos ng mas maaga iyang program. Anyway, we're planning to start a business, kami ni Julian," sabi ko sa kanya.
"Restaurant?" tanong niya sa 'kin.
"Yes," sagot ko.
"That's nice. Good luck din."
"Thank you."
"You're welcome."
Katahimikan.
"Kung wala ka nang sasabihin, mag-offline na ako. Pakisabi na lang kay Mommy na tatawagan ko na lang siya mamaya," sabi ni Sophia at pakiramdam ko ay tinusok ako ng maraming karayom dahil sa lantarang pambabalewala niya sa akin. Tangina, ganito pala ang pakiramdam. Ganito rin siguro ang naramdaman niya nang ako ang mambalewala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Black Water
RomansaStill hurting from the past, aspiring chef Esso Arvesu opts to feed his ego and deny his feelings for Sophia. But when circumstances continue to make their relationship more complicated, can Esso finally stop his stubbornness and follow what his hea...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte