A man who seeks

9 0 0
                                    

*alarm* Hays. Umaga nanaman,panibagong araw na dapat kaharapin para mabuhay! bangon na Klare! hi! ako nga pala si klare, Klare Gracia Ty, tawagin niyo na lang akong Ciacia singer sa gabi,estudyante sa umaga. Well,kung tatanungin niyo ko kung bakit multitasking ang ganap ng lola niyo, mag-isa lang ako sa buhay ayos lang sanay naman ako charrrr!! My parents went abroad to have there business matter,may kaya naman kami sa buhay pero,well alam mo naman pag maganda kailangan masipag! gusto ko lang kasing maging independent gaya nga ng sabi ko pag maganda kailangan may tiyaga! well,Alam mo naman pag maganda, makulit din dapat haha! well! teka tama na nga muna chikahan mga mamsh, papasok pa ko malalate na ko! nabilang niyo ba kung nakailang well ako? kung oo text to 091522222 bahala kana sa kasunod haha!

"omyghad! 7:30 na! kailangan ko ng magayos! nako klare! yari ka nanaman sa prof mong mukhang canislupus familiaris(dog)"
pumasok agad ako ng super duper bilis sa cr para maligo! kung tatanungin niyo kung paano maligo ang maganda,mamaya ko na ikkwento dahil maliligo muna ko! charot haha! at dahil late na ko ligong cute na lang ang nagawa ko! yung tipong wisik wisik lang tapos tootbrush lang mga tatlong stroke labas na agad ng cr? ganun mamsh!

Sumakay agad ako sa sasakyan kong lambo, handa na kong harapin si canislupus familiaris at harapin ang katandaan dito sa Edsa! jusko wala na talagang bago dito! at dahil na stuck ako sa traffic dumaan muna ako sa favorite kong coffee shop,sa Smiley Coffee Shop. Siguro masiyahin may ari neto smiley daw e! baka ako charot! umorder ako ng coffee frap sabay balik sa sasakyan,syempre di ako nagbayad maganda ako e,well! lam na pag maganda libre na lang! syempre joke lang! nagbayad ako no! haha! sinalubong nga ako agad ni Kathy e yung paborito kong barista dito,actually kilala na ako ng lahat dito dahil nga madalas ako dito,tamang tama lang kasi timpla ng kape nila dito,sarappppp!

"Hi Ms. Ciacia! goodmorning! 1 coffee frap for you" sabi ni kathy.
"Oh! hi gandang kathy! goodmorning din! eto bayad oh" sagot ko naman.

Oh diba? di pa ko umoorder may ready made na ang favorite coffee frap,ako. Kabisado na ako ng lahat ng barista dito dahil nga maganda ang lola mo! char. Paborito ko kasi talaga dito e.

Pumasok na ko kay baby lambo ko,susugurin ko na ang panghabang buhay na traffic sa edsa!

" okay class, class dismissed. See you tomorrow. ". rinig kong sabi ni Mr. Rafael aka Mr. Canislupus.

dahan dahan akong pumasok sa pinto ng klase, as in pag sinabi kong dahan dahan ay talagang Daaaaaaaaa-haaaaaannnnnn daaaaaaa-haaannnn ayan na! onti na lang papaupo nanako sa seat ko ng bigla kong narinig ang

"KLARE GRACIA TY! YOU ARE LATE AGAIN!" hays ayan nanaman siya sa sermon! pag maganda okay lang malate! charot!

"Im sorry sir" tip 101 para maging maganda tulad ko,stay magakang girl! haha charot!

umupo na ko sa seat ko para sa next class,dito pa rin naman e. Di na kailangan lumipat. tagal ng next subj! history class kaya malamang sa malamang sleeping beauty ako neto! jk lang! tip number 2 kung gusto mo maging maganda,well dapat matalino rin no! wag puro ganda,gamit gamit din ng utak teh!

Ng matapos na ang 5pm class ko bumama na ako para maglocker muna at nilagay ko ang gamit ko dun,kinuha ko na rin yung mga damit ko dito para magbihis sa cr at dumiretso sa bar na pinagttrabahuhan ko. Don't get me wrong! di ko binebenta kaluluwa ko no! singer kasi ako dun! kung binasa mo yung introduction ko dapat alam mo yun! hahaha biro lang. Dumiretso na ko dito sa bar.

"You are my sunshine,
my only sunshine
you make me happy
when skies are grey"
korus na parte ng aking pagkanta,dinamdam ko ang pagkanta ko na para bang ang awiting kong ito ay idinedecate ko para sa isang tao.

"You never know dear
how much I love you
please don't take my sunshine away"
sinalubong ako ng masigabong palakpakan ng mga tao pagkatapos kong umawit, habang pinagmamasdan ang mga manunuod ko ay may isang nakakuha ng aking pansin. Lalaking malalim ang mga mata,tila may lungkot sa kanyang nga mata,siguro broken. Nginitian ko silang lahat at bumaba na ng stage.

Isa itong mahabang araw para saakin, oras na para matulog ang maganda! well beauty rest tayo! hahaha joke! unti-unti ng bumagsak ang aking mga mata at natulog ng mahimbing.

Waking You UpWhere stories live. Discover now