Ito na ang simula ng pagbabago. Ang pagbabago na hinding hindi ko pagsisisihan.
Ako nga pala si Ayiesha Collins. 18 years old, Grade 11 Senior high sa paaralan kung saan natuto ako kung paano magkaroon ng tiwala sa sarili, ang paaralan ng Montessori College.
Ilang araw nalang at matatapos na ang pasukan, nasa sulok ako at nakatingin sa kawalan, nagmumuni muni at inaaliw ang sarili. Hanggang sa sumagi sa aking isip ang mga taong minsang nagpasaya at nagpaluha sakin.
Gusto kong balikan ang mga panahong napasaya nila ako, aalalahanin ko ang bawat araw na naka ngiti ako dahil sa mga taong ito.
Unti unti kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang unang lalake na nagpatibok sa aking puso...
Ang kauna unahang lalake na inibig ko.
YOU ARE READING
Single - Happy - Contended
Short StoryHow to be like me? "Just be yourself" Wag mong ikahiya kung sino ka at kung ano ka. Ipagmalaki mo ang meron ka dahil wala sila niyan. Be proud of who you are. Wag kang mainsecure sakanila, dahil sa totoo lang mas maganda ka kung nagpapakatotoo ka. S...