*1st year high school*
Okay heto nanaman kami at nagtatalo.
"Anong maaga? Tanghali na kaya timang kaba?" Sige diyan kana man magaling eh, sa pagtatama ng mga mali ko.
"Ewan ko sayo! Basta ayoko yan gusto ko nun!" Sabay turo ko sa pink na sapatos.
"Eh ang pangit kaya nyan, mas maganda pa tong blue mas bagay pa sayo" Pilit niya sakin.
"Oh edi ikaw magsuot tutal yan naman gusto mo!" Sabay talikod ko sakanya at naglakad papalayo.
Eh sa ayoko ng gusto niya e, bakit ba -.-
Napansin ko naman na hindi niya ako sinundan kaya umupo muna ako sa may waiting area sa mall para hintayin siya.
Pagkalipas ng 5 minuto lumabas siya sa shoe store.
Tumabi siya sakin at iniabot ang isang paper bag na may laman na sapatos.
"Oh anong gagawin ko dyan?" Mataray kung tanong sakanya.
"Kainin mo, pagkain kasi yan e, kaya kainin mo" Pagpipilosopo niya sakin.
"Ha- ha- ha- ha. Patawa ka!" Sarcastic kung tawa sakanya.
"Buksan muna" Malambing na sabi niya habang nakangiti sakin.
Hindi nako nagatubili pa at binuksan ito.
"Akala kubang yung blue yung gusto mo para sakin?" Tanong ko sakanya habang nakangiti.
"Oo nga pero ayaw mo naman yun eh. So dun ako sa gusto mo. Tsaka mas bagay mo naman talaga yang pink, ang cute mo lang kasi kapag inaasar" Sabay tawa niya at kurot niya sa pisngi ko.
"Ang swerte ko kasi ikaw yung bestfriend ko" Sabay pisil ko rin sa pisngi niya.
Lagi niya akong inispoiled sa lahat ng gusto ko, kaya nga sobrang saya ko kasi sobrang sweet at maalaga niya kahit mag bestfriend lang kami.
"Kevin!" Sabay naman kaming napalingon ng may tumawag sa kanya.
"Oh Ash nandito kana pala. Tara na hinahanap na kayo ni tito mo. Kain na muna tayo" Yaya samin ni Tita Helen(Mommy ni Kevin)
"Mano po tita" Sabay hawak ko sa kamay ni tita.
"Sige anak. Tara na baka nagugutom nakayo" So sweet talaga ni tita. Parang anak narin yung turing niya sakin.
*@Korean Restaurant*
(Nothing more, nothing less. Kumain lang kami then nagkwentuhan tapos nauna na yung family ni kevin na umuwi then si kevin hinatid niya ako sa sakayan)
"Sige na dito nalang. Uwi kana oras na, kaya ko naman sarili ko eh" Paalam ko sakanya.
"Sure ka? Mas maganda kung ihatid na kita para naman hindi ako magalala" Masyado namang concern talaga to sakin.
"Oo sure na sure ako na kaya kuna yung sarili ko. Kaya umalis kana dahil traffic na niyan" Sabay tulak ko sakanya papalayo.
"Sige ganito nalang. Aalis lang ako kapag nakita ko na umalis na yung jeep na sinasakyan mo" Pagpupumilit niya sakin.
"Haynako. Oo na sige na. Sasakay nako para naman umalis kana rin. Sawang sawa nako sa pagmumukha mo! Hahaha" Sabay sampal ko ng mahina sakanya hahaha.
"Sa pogi kung ito magsasawa ka?" Sabay tawa niya.
"Huwow karin eh no? Hahaha. Ang kapal mo bes! Sige na sakay nako late na" Sabay kurot ko sakanya sa pisngi at naglakad nako papunta sa sasakyan kung jeep.
"Ash!" Bigla niyang tawag sakin.
"Oh?" Sabay ngiti ko at nilingon siya.
"Iloveyou!" Huh?! Timang talaga to ang daming tao hahaha!
"Luh hahaha. Ulul balakajan" At sumakay nako ng jeep dahil pinagtitinginan na kami.
Ewan kuba kung bakit minsan timang tong bestfriend ko hahaha. Hindi pala minsan lagi pala hahaha. Nakakahiya yung sinabi niya haha.
Nakaalis na yung jeep na sinasakyan ko at nakita ko rin na umalis na siya pasakay ng jeep pauwi sakanila.
Habang nasa jeep ako at nakatingin sa labas at hinihipan ng hangin ang mukha ko ay bigla naman akong napa pikit at bigla siyang pumasok sa isipan ko.
At natanong ko sa sarili ko kung bakit...
Bakit nga ba hindi puwedeng maging kami?
YOU ARE READING
Single - Happy - Contended
Kısa HikayeHow to be like me? "Just be yourself" Wag mong ikahiya kung sino ka at kung ano ka. Ipagmalaki mo ang meron ka dahil wala sila niyan. Be proud of who you are. Wag kang mainsecure sakanila, dahil sa totoo lang mas maganda ka kung nagpapakatotoo ka. S...