"Hi Josh!" Malanding sabi ni Steph atsaka naupo sa katabing upuan nung kay Josh.
Si Steph ang isa sa mga itinuturing na pinakamaganda dito sa university. Oo, maganda nga siya. Kaya lang, malandi eh! Anong sinabi nung ganda diba?
"Ang gwapo mo naman." Melanie.
"Oo nga. Bagay talaga kayo ni Steph." Shaina.
Kasa-kasama naman ni Steph itong sina Melanie at Shaina. Psh. Parang mga asong sunud-sunuran sa amo nilang si Steph.
Si Josh naman...
Si Josh...
Siya...
Matalino...
Gwapo...
Misteryoso...
Talented...
"Get lost." -Josh to Steph, Melanie and Shaina.
Suplado.
Haaay. He's really my ideal man!
"Hoy! Nagdedaydream ka na naman diyan sa suplado mong crush!" Saway sakin ng seatmate kong si Ria.
"Tss. Hindi kaya siya suplado. Ayaw lang niya sa mga malalandi."Pagtatanggol ko.
"Ewan ko sayo."
"Tss. Palibhasa ikaw, walang crush kaya bitter ka. Hmm. Teka nga. Tomboy ka ba? Hahahaha."
"Uy ikaw! Wag mo nga ako maloko-loko diyan. Hindi ako tomboy. May crush din ako noh. Hindi lang talaga ako kasing g*ga mo at nagpapantasya diyan kay Josh."
"Sshh. Ang ingay mo ha! Wag ka nga. Inggit ka lang eh! Hahaha."
"Ba't naman ako mai-"
"Everyone! Ma'am Reyes couldn't meet us today kasi nagpatawag ang admin ng emergency meeting. So, just fill up this attendance sheet then you may go." Paglalahad ng class mayor naming si Clent.
"Akin na mayor! Ako mauuna." Sabi ni Karl. Isa sa mga kaklase namin sabay agaw ng attendance sheet kay Clent.
"Anong ikaw? Hoy. Pila-pila rin pag my time!" Singit naman ni James.
"Hoy kayo! Tabi! Ako mauuna." Agaw-pansin naman ni Ivan.
Psh. Ano pa nga ba? Edi mag-agawan sila! Ewan ko nga! Pare-pareho lang naman din kaming makakasulat sa kapirasong papel na yan. 'Di na naman kailangang mag-unahan.
"Guys, relax pwede? Tss. Para namang may time limit yan." Saway ni mayor.
Yan. Sabi ko nga. Pero 'di natinag mga kaklase namin. As usual.
Nagtulakan, nagsapakan, nagsampalan at kung anu-ano pang karahasan ang mga tao dito sa room para lang makapag-attendance.