Prologue

6 1 0
                                    

~~~°*°~~~

Remember, a devil use to be an angel.

~~~°*°~~~

"Good Morning miss, welcome back po." naka ngiting pambungad sa akin ng sekretarya ni Cas. Nilagpasan ko lang siya at walang anu anong patuloy sa paglakad na agad naman niyang sinundan.

pero sa pagkakataong ito naka yuko na siya habang naglalakad.

looks like she is intimidated.

'Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan.

Pinagbuksan ako ng driver at agad sumakay. Nag dalawang isip pa ang sekretarya ni Cas kung doon din ba siya sasakay kasabay ko. I figured my hand na sumakay na siya. Mabilis naman niya itong nakuha at di magkandaugaga sa pagmamadaling sumakay.

"Speak." Sambit ko ng nagsimula na umandar ang sasakyan.

"Ayos na po lahat ng pinapagawa n'yo." Sambit niya habang binubuksan ang folder at binigay iyon sa akin.

Kinilatis ko isa isa ang nakasulat doon tungkol sa limang tao na pinapahanap ko sa kanya.

"Their activities and business were somehow connected. Maliban po sa naunang tao na nakalagay sa unang pahina." Patuloy niya pa. i just did flip over the pages. "And Linda's doing a great job... sa katunayan po pwede na kayo magsimulang pumasok bukas sa JLive for you to be introduce with the board of Members." Napangisi ako sa narinig ko. "Should I contact her already miss? Para mag set ng meeting?"

"Not yet..." I handed her back the folder. "Give them a week... bigyan pa natin sila ng oras para magsaya... isang linggo pa bago ko simulan ang pagbagsak nila."

Dinukot ko ang telepono at mabilis kong muling napalingon sa kasama.

"Did you find her contact?"

"Yes miss."

Binigay ko agad sa kanya ang telepono at tinipa doon ang numbero tska ito ibinalik sa akin.

Ilang beses pa ito tumunog bago niya sinagot.

"Sino ba 'to!?" Napangisi agad ako ng marinig ko ang iritado niyang boses.

"It's me..." Sambit ko.

'kilalanin mo ang boses na 'yan.' sambit ko sa utak ko lamang.

"I'm back Bianca..." wika ko muli ng mapagtanto kong 'di siya makapagsalita sa kabilang linya na para bang natigilan siya. "Miss me?"

---*

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the prior consent of the author.

-------*
"Once an Angel"
Written by: xeinaida
© All Rights Reserved. 2018.

Once an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon