TTA 5: The Contract
[COLEEN's POV]
Another day. Tsk. Inilapag ko na ang bag ko sa upuan ko. June 17 ata ngayon eh?
"Weh? Hindi pa break si Seth at Hazel? Kaya pala niya niyaya sina Yuri nun. Rebound. Tss. Buti nga sa babaeng yun. Ang arte nun eh!"
I knew it. Akala ko naman gusto talaga ni Seth si Yuri. Buti at hindi. Pero sila pa rin ni Hazel? The girl from section C? Tss. Sila pa rin pala.. HANGGANG NGAYON.
Kinuha ko na yung notebook ko at nakipagpalit muna ng upuan sa isa kong kaklase para makatabi ko si Louie.
Kumopya lang ako ng notes habang sila ni Sharlene eh nagcecellphone at pinaguusapan ang idols nila. OP naman ako sakanila.
Si Sharlene, close friend din namin pero di sya minsan nakakasama saamin.
"Hi Lou!" at sa wakas, pinansin naman ako. Basa kasi ng basa eh. Nasa classroom na nga wantosawa pa rin ang wattpad.
"Ayieee! Hahaha!"-tawa nila ni Shirley. Putapete naman tong dalawang to e. Op akong palagi. -___-
Napatingin na naman ako kay Seth. Ang saya saya niyang nakikipagusap sa mga kaibigan niya.
Ako nalang, please?
"Ayoko naaaa. Akala ko naman nagbreak na talaga sila ni Hazel eh. Hindi pala. Tapos, inaya niya pa ng date si Yuri. Ayoko na talaga.. Kung pwede lang na magbilang nalang ako ng siyam na bituin sa langit sa loob ng siyam na gabi para mapansin niya ko eh. Psh. Ang desperada namang pakinggan nun. T_____T Pero malay mo, wala na pala talaga sila ni Hazel. Tapos may iba na pala siya. Malay mo ako yun? Haay."-sabi ko.
Ayoko na. Nababaliw na ata ako eh! Siguro kung kay Sam o kay Kim ko sinabi 'to, expect na magmumukha lang akong baliw sa harapan nila. -____-
Inakbayan naman ako ni nay Lou.
"Lam mo Coleen, wala rin namang masama dun sa siyam siyam na yan eh. Wag ka lang masyadong magassume. Dahil baka naman, masaktan ka lang, ULI."
Ito na naman yang Words of Wisdom ni Lou. Palibhasa may pagka love expert.
"Hay. Tama ka nga naman Lou. Pero basta, ayoko na nga. Kakalimutan ko nalang siya. Over na. Pag nakarinig kayo ng Seth mula sa bibig ko? Sampalin o kaya naman sabunutan niyo ko."-sabi ko.
"O sige, sample?"-sharlene
"De joke lang. Eh basta. Ganun na yun."-sabi ko.
"Ahh! Gawa tayo ng contract!"- lou
BINABASA MO ANG
The Teen Academy.
Teen FictionKami ang lider sa school namin. At ang tawag namin dito ay, Teen Academy. Kung iisipin, it sounds cute and inosent. But, no. Teen Academy has a secret. Specially, us. Samahan ang author sa kabaliwan na ito at samahan din ang mga karakter sa kanilang...