Stalking Macky Beki
"Kung sino daw yung nagpapasaya sa'yo, siya yung may malaking tyansang mahulugan mo ng loob."
- Carl Gabriel Santos Jr.'s POV
* * *
"Anak, matulog kana.."
"Ma, tatapusin ko lang po tong GGV."
"Anak, ubos na yung dugo mo, hwag nang magpuyat." sabi ni mama in a caring tone. Kahit kailan talaga.. mother knows best. Tss.
"Promise ma. After nito, tulog na ako." at ayun, pumayag nman sya.
Hmm.. Ano bang meron sa GGV at parang gusto kong mapanood? Hindi naman ako fan ng GGV ah, although , I really like Vice Ganda. Pero.. hindi talaga ako yung tipong nanonood every Sunday night. Nalalaman ko lang kung sinong guest kapag naguusap ang mga kaklase ko every Monday.
Sino daw ba ang guest? 'Dunno.
Siguro.. gusto ko lang tumawa. Gusto ko lang sigurong mawala ang lungkot, kahit ngayong gabi lang.. Laughter is the best medicine daw eh.
Nagsisimula na ang GGV nang hindi ko namamalayan. Ewan, may mga luhang biglang tumulo sa mga mata ko eh.
This is too gay. Bakit ba ako lumuluha? Siguro dahil to sa babaeng nangloko saakin. Tss. Wag na nga nating pag-usapan yan.
'Wish upon a Horse' ang segment sa GGV nang hindi ko namamalayan.
May pinakitang video si Vice na isang babae--no, bakla? Oo, parang ganun nga. Nag-gigwiyomi. Hahay.. I hate that trending fad.
Everywhere I go, alam yan. Anyone I knew, kinakanta ya. An sakit sa tengga.
Papatayin ko na sana ang TV nang ang baklang umiere sa TV o yung naggwiyomi at bigla nalang nagdougie!?
"Nasa labas si Mikay, nasa labas.." sabi pa nya habang nagidodougie.
THAT IS EPIC!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
Grabi ng tawa ko. Grabe, ang sakit sa puson. Lol..
Nakakatawa kasi. Una nagigwiyomi sya may wig pa sya. Hmmm.. He's beautiful wearing it. Tapos may biglang nagbukas ng pinto (papa ata nya). Bigla nyang tinanggal ang wig and then, nagpretend syang nagdodougie. Hahaha!!!
It really made my night. Grabe ang tawa ko. LOL. *0*
* * *
Ilang linggo ang nagdaan ang ingay parin kanyang pangalan. MACKY BEKI huh?
"School mate pala natin sya"
"Talaga?"
"Oo, ayun sya oh!" narinig kong bulongbulongan ng mga estudyante.
Nakakatawa naman. School mate ko pa talaga.
Ayun, nakita ko nga. Kausap nya yung mga kaibigan nya. Nagtatawanan sila, tapos pinasayaw ulit nila iyun kay Macky.
Wait. Am I smiling?
Hell yes. >o<
Since hawak ko yung videocam ko, kinuhanan ko sya habang sinasayaw iyun. Wala. I really like that stuff. Gwidougie. Nice one!
Hinanap ko rin sya sa fb. Akalain nyo. Friend pala kami!? Sabagay, school mate kami eh.
Tinignan ko yung nga pictures nya. Ang dami nanyang likes ah. Marami narin syang naging friends.
BINABASA MO ANG
Stalking Macky Beki (fin)
FanfictionA story of a guy who fall inlove in a GAY!!! ******