Tuloy na tuloy na ang paglipat ni Joseph ng parokya kung kaya't maaga siyang ginising ni Aling Precy para simulan ang araw niya.
"Joseph anak, gumising ka na't di ba ngayon yung araw na maghahanap ka ng pag-aapplyan na simbahan?" Bati naman agad ni Aling Precy..
Napatingin si Joseph sa orasan, 7:30am ng umaga.
"Nakahanda na ang almusal.. Paborito mong sinangag at hotdog. Sabayan mo nang mga kapatid mo at maglalaba ako." Bilin ng nanay.
"Ma, maaga pa 'yan ah? Pinapagod mo na agad ang sarili mo.. Magpahinga ka na muna't bukas na yan.. Sabayan mo na kami nila Papa. Hayaan mo na muna yan." Pag aawat ni Joseph sa mama niya.
"Anak, hayaan mo na ko.. Nung nakaraan pa ito eh.. Mas maiipon lang ito.. Maganda yung ngayon eh bawasan na.. Ayoko namang iasa na lang lahat sa inyong magkakapatid." Tugon naman ni Precy.
"Ma wala yon.. Kaya na namin. Malalaki na kami." Sagot naman ni Joseph.
BINABASA MO ANG
CLOSE TO YOU (BiGuel FanFic)
RomanceCLOSE TO YOU is a typical story na parang THE ONE THAT GOT AWAY style pero may twist.. Yung mga love stories kasi usually, nagkakilala, naging friends then lovers, tas maghihiwalay then marerealize mong siya pala ang TOTGA mo..