Chapter 1 : Me, Them, Him!

1.1K 22 3
                                    

Part 3 : him

-campus-

After duty deretso kami lagi sa locker room para magpalit ng duty bag. Bawal kasi magdala ng ibang bag bukod sa duty bag namin na may logo ng school namin.

"Ui baks may laro mamaya sila Sean! Tara nuod tayo .." Paanyaya sakin ni Vi

"Naku baks for sure gabi na yun matatapos di ako pwede papagalitan ako ni kuya noh!.. Tska im not interested." Pagtanggi ko sa kanya.. Eh totoo nmn eh hndi ako interesado sa basketball na yun. Tska oo gwapo si Sean pero hindi ko siya type.

Ako lang ata ang hindi nagkakagusto dun kay Sean.. Hearthrob siya dito sa campus, lahat ng babae dito o halos ng babae dito eh pinapantasya sya.. Isama mo na ang mga beks ..

Di ko din alam bakit ako lang ata ang hndi magkagusto sa kanya.. Siguro dahil hindi ko naman talaga siya kilala . Ako kasi naiinlove ako sa isang tao o sa isang lalaki specifically, sa ugali nya .. Gusto ko ung jolly and very sweet ..

Pero di naman ako magpapakaipokreta na hindi aminin na may factor din ang gwapingss. Pero wala po tlga ako magustuhan kay Sean..

"Ano ka ba! Ang arte mo naman... Dali na kasi baks manood ka na para may kasama ako.." Pilit ni Vi sa akin.

"Anjan naman si Mat ee siya yayain mo. Tska for sure manonood ung mga kaklase natin ! Wag mo na ako pilitin baks.." Paliwanag ko sa kanya

"Sus ang arte mo talaga baks! Ayaw mo ba makita si Sean maglaro ?! Naku ! Ikaw din tsk tsk!" Sus di talaga ako titigilan nito

"Ilang bese ko ba uulitin sayo baks! Wala akong pakialam jan sa Sean na yan! Oo pogi o gwapo siya pero wa ako care! Wag mo ako isali sa mga taong patay na patay sa kanya !" Tuloy tuloy kong sinabi sa kanya. Di ko napansin na kanina pa pala niya ako sinesenyasan at tumuturo sa likod.

Tumalikod ako para tignan kung ano ang tinuturo ni Vi saken.. Laking gulat ko kung sino ang nakita ko.

"Woah easy tiger ! Mukhang galit na galit ka sa tropa namin aa.."

Ohh shit! Sila Sean ! Pano na toh .. Baka ano gawin nila sken! Tsk! Kasi naman ee ibang kalse din naman kasi tong bunganga ko ehh. Di alam kung kelan titigil at magingat.

"hahaha gulat na gulat ka ata Remico ?." Pang aasar saken ni Zeke. isa sa mga tropa ni Sean. Maputi matangkad at matangos ang ilong. napakaamo ng mukha ni Zeke kumpara sa kanilang tatlo..

Kilalang kilala ang tropa nila Sean dito sa buong college. Bukod sa sobrang gwapo nila , super talented at super yaman pa nila. Kaya nmn lahat ng mga babae at pusong babae dito sa college namin ay nahuhumaling sa kanila pwera Lang ako.

Ang una namang nagsalita ay si Robbie. Mejo maliit lang kay Sean, pero Hindi naman nagpapahuli sa kagwapuhan. Astigin ang mukha ni Robbie, dancer kasi siya. Si Robbie ang president ng Groove Feet Dance Troupe ng school.

shet di ko na alam ang gagawin ko. Pano ako lulusot. ano sasabihin ko. Hay naku A.A!!!

"naku maarte Lang yan si baks! Ayaw kasi niyang manood ng game niyo mamaya eh.." Paniningit ni vi . Salamat aa kaibigan ko ba talga to ?

nakatingin Lang sken si Sean habang ung dalawa niyang tropa ay nangingisi sa mga nangyayare.

Di ko makakaila pogi nga tong si Sean . Di lang pogi ! Ang gwapo niya at ang bango niya. Naamoy ko hanggang dito sa kinakatayuan ko ung amoy ng pabango niya.

"manood ka na, sayang naman kung di mo makikita ung pagkapanalo ng team namin." Bigla siyang nagsalita ng walang kurapan.

Walang ano ano'y tumalikod na si Sean at lumabas ng locker room . Sumunod na dn sila Zeke at Robbie

Facebook Post ! <3 boyxboy, yaoi, m2m, bromanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon