Harvey University~"Chan Cerise Luste, 16." pagpapakilala ko. I immediately went back to my assigned seat kung saan malapit sa bintana para matulog dahil magpapatuloy pa ang walang katapusang 'introduce yourself'.
First day ng pasukan namin ngayon and I can say that walang pinagkaiba nung last year ang patakaran ng school nato.
Same routine padin. Introduce yourself dito. Introduce yourself doon. Wala nabang mas boring pa dito? Hayy..
"Pst. Charise" tawag sakin ng boses sa labas. Lumingon ako sa bintana nang makita ko na sumisilip ang kaibigan kong si Sophie. She's Sophie Chu. My 6 years bestfriend. Naalala ko pa nung nag agawan kami sa last sandwich na natira sa canteen. Umiiyak pa nga kami nun eh habang nag aagawan. Hindi halatang mga patay gutom eh no?
"Bes may ipapakita ako sayo dali!" Sabi niya. Tumingin muna ako sa harap bago pasimpleng lumakad patungong pinto nang makita kong hindi padin tapos sa pagyayabang sa sarili ang bakla sa harap.
"Where do you think you're going?"
Shit. Napatampal ako sa noo ko. Patay tayo nito. I slowly turned my body to face our professor na naka fold ang kamay at mataas ang kilay na tumingin sakin.
"First day of school tapos mag cu-cutting ka na Ms. Luste? For your information I know your past records here when you were in 9th grade last year. Don't make me angry if you want to pass this class" inis na sabi ni Professor Rhinna.
"Ah hehe ano kasi ahm" pasimple akong tumingin kay Sophie para sana humingi ng tulong pero fudge! Wala na sya dun. Humanda sya saken mamaya.
"Naiihi kasi ako prof kailingan ko mag CR" eto na paninindigan ko nalang ang kalokohan kong ito. Napahiya na ako eh
"Dala ang bag?" taas kilay nyang tanong nang mapansin nyang nakasabit yung bag ko sa likod.
"Ano kasi prof...... nandito yung napkin ko, kailangan ko ding magpalit, alams na hehe" mahina kong sabi para walanh makarinig. Mukha namang nakumbinsi ko sya dahil bumaba na yung kilay nya.
"Okay. Just be quick"
pagkatapos nyang sabihin yun lumabas agad ako ng room. Humanda ka sakin Sophie!
-----------------------
Nadatnan ko si Sophie sa Basketball Covered Court naka-upo sa isa sa mga bleachers. Kumaway ako sa kanya pero mukhang hindi nya ata ako napansin eh. Focus na fucos sya sa mga naglalaro ng basketball.
Mabilis akong naglakad palapit sa kanya ng sa wakas ay tumingin na sya saken. Binigyan ko sya ng 'humanda-ka-sakin' look habang nakasalubong yung kilay ko pero biglang nanlaki yung mga mata nya, sinuklian nya ako ng 'watch-out' look.
Huh?
Parang nag slowmo ang paligid nang lumingon ako sa gilid ko at makita ang isang bola na paparating sakin.
I heard Sophie screamed pero palapit ng palapit na ang bola. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagtama sakin ng bola pero may sumalo nito at imbis na ligtas na ako ay bumagsak pa siya sakin.
"Arayy.." daing ko. Mas masakit pa ata to kesa matamaan ng bola.
"Shit " daing naman ng bumagsak sakin. Tumingin ako sakanya habang dahan dahan syang tumayo at pinagpagan yung katawan nya. Nagtama ang mga mata namin and I felt his gaze na parang hinihigop ang mga mata ko. Weird.
Tiningnan nya lang ako at umalis na sya dala yung bola. Aba bastos!
"Hoy! Hindi mo ba ako tutulongan?" sigaw ko sa kanya. Tumigil sya ng bahagya.Lumingon sya ng konti pero nakatalikod padin yung katawan nya sakin.Imbes na sagotin ako ay nagsmirk sya at tuluyan ng lumapit sa mga teammates nya. Sinalubong naman sya nito. Ganun nalang yun? Bastos. Walang modo. Psh.
BINABASA MO ANG
One Rule: Don't Fall (On going)
Teen FictionA boy who met a girl. They met with bad impressions at first. But as they get to know each other, they didn't realize they are falling for each other. But something is keeping them away from committing to one another. Something that can break one'...