Fragile [ONE SHOT]

7 3 0
                                    

FRAGILE

Naramdaman ko ang sakit ng aking balat dahil sa init ng araw. Pagbasa ng aking pisngi dahil sa pawis at luha. Agad kong pinahid ito. Ganito nanaman, paulit ulit na lang. Ang sakit sakit na. Lumapagi ako sa buhanginan habang nakaharap sa dagat. Hindi ko iniintindi kung gaano pa man kataas ang sikat ng araw.

"Ma, siguro kung nandito ka, hindi ganito yung sakit at hirap na nararamdaman ko dahil alam kong bibigyan mo ko ng advice. Namimiss na kita Ma."
Pagbulong ko habang hindi pa rin tumitigil sa pagluha ang aking mata.
"Alam mo Ma, Summer na. Malapit na ang birthday ko. Bigyan mo naman ako ng isang birthday gift oh. Kahit makasama na lang kita Ma. Hirap na hirap na ako dito. I miss you Ma. See you soon" after saying my last words, tumayo na ako at tumalikod sa dagat.

"May nakakaiyak ba sa dagat Miss?" Napaangat ako ng tingin.
"Miss? Wag ganun. Nagtanong lang naman ako. Alam kong gwapo ako wag mo namang ipahalata." Ngising sabi nya. Kumunot lang ang noo ko at di na nag abalang sumagot. Tumalikod na lang ako at bumalik sa room ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising at naglakad lakad sa tabing dagat. Nararamdaman ko ang lamig ng hangin na humahampas sa balat ko. Tumingala ako sa  langit at napansin kong medyo nagiging blue na ito.
Nangiti ako nang mapagtanto kong sisikat na ang araw. My mom's favorite part of a day.

"Kaunti na lang at iisipin ko ng baliw ka" napalingon ako. Ah. Siya yung lalaki kahapon.

"Bakit naman?" Napaigtad sya nang sumagot ako. Siguro nagulat. Ako din naman, nagulat din ako na sumagot ako.

"W-wala. Kase kahapon umiiyak ka tapos ngayon ngingiti ka. Yung totoo Miss, nakahithit ka ba?"
Umirap ako sa naging sagot niya sakin. Yun lang, nakahithit agad?! Grabe naman!

"Bakit, Bawal ba?" Doon na siya lumingon sakin. Amused sa sagot ko.

"Hindi naman. Nagtataka lang." Sagot niya. Napatingin ako sa mukha niya at doon ko naappreciate yung sinasabi niyang gwapo. Gwapo naman pala talaga. Sadyang napakayabang lang.

"Ahh. Akala ko naman bawal talaga" ngumiti ako sakaniya. Napansin ko ang pagkagulat niya at napatitig siya doon.

"A-ang ganda mo pala pag nakangiti ka" natawa ako sa pagkautal niya parang may tinatakasan na ewan.
Pinipigilan ko ang tawa ko. Ngumunguso ako para mapigilan ito pero di ko kaya kaya humagalpak ako ng malakas. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Wag mo kong tawanan" Galit niyang sabi kaya pinigilan kong tumawa.

"Oo na. Oo na haha. Nakakatawa ka kasi. Sorry na."
Nginitian ko siya at inilahad ko ang kamay ko. "Elaisa nga pala" nagulat man siya, tinanggap niya pa rin iyon.

"Gio Marione" babawiin ko na sana ang kamay ko nang higpitan niya ang pagkakahawak dito. Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko.

"H-hoy. Yung k-kamay ko." what the?! Bakit ako nauutal?!

"Y-yung k-kamay mo? A-ayaw ko nga. Bibitawan ko lang ito kapag sinagot mo ang t-tanong ko" tumigil siya sa pag uutal utalan at nginisian ako "B-bakit ka nauutal?"

Namula ang pisngi ko.
"Ano ba kasi yung tanong mo?!" Nagkunwaring galit ako para di niya mapansing kinakabahan ako.

"Simple lang. Bakit ka umiiyak kahapon? Dahil ba sa boyfriend mo?"
Nangunot ang noo ko sakanya.

"Anong boyfriend?! Wala ako nun!"
Napatitig siya sakin.

"Weh? Di nga?"

"Wala nga!"

Yun na yung pagkakataon ko upang bawiin ang kamay ko ngunit hinila niya ako. Nayakap ko siya.

"Gusto kong iiyak mo lang yan Elai. Lahat ng sakit na nararamdaman mo. Ilabas mo lahat" Dahil sa sinabi niya, parang naging hudyat yaon upang umiyak ako nang umiyak.
Niyakap ko siya ng mas mahigpit.

"Ang sakit. Since my mom left us, our family, my life became miserable. Dad is always drunk. Sinasampal niya ako palagi at sinasaktan dahil wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob sa pagkawala ni mommy kaya sinasaktan niya. Tinatanggap ko yun. Walang tutol akong nagpapasampal sakanya pero akala ko hanggang doon lang yun. My dad is taking drugs. Muntik na niya akong ma-rape thank God, I am able to escape. Dito na ako dumirecho non. I missed mom. Dito sa dagat na to isinabog ang abo niya kaya dito ako pumupunta kapag nangungulila ako sakaniya. Pagod na pagod na ako Gio. Ang sakit sakit na."

Mas hinigpitan niya ang yakap at iniangat ang mukha ko.

"Ssh. Wag kang mag alala. Hindi kita iiwan" he kissed my forehead, before he wipe my tears. "Simula ngayon, Ayokong makikita kang umiiyak. Nandito lang ako Elai."

Inilapit niya ang kanyang mukha at naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

It was one Summer Day when someone mend and fix my fragile and broken heart.
Yeah, the sun witnessed how he kissed me carefully and made me feel loved.

THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fragile [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon