"Miss Penelope mag iistart na ang shooting nasa loob na ang photographer." ani ng manager ko. Kakatapos lang ng pagaayos sa akin ng tinawag na ako ng manager. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salamin bago ako tumayo patungo sa silid kung saan gaganapin ang shooting."Ooh... The famous Penelope, your very beautiful in personal dear." nginitian ko lang ang papuri sa akin ng photographer. Pumuwesto na ako sa harapan upang makapagsimula na dahil may gagawin pa ako mamaya.
"There... Another! Fierce. Yes.!" masyadong sineseryoso ko ang aking career dahil pinaghirapan ko ito. Hampaslupa lang ako noon na natagumpay sa aking mga pangarap o dahil narin sa kaniya it's been 4 years since.
Pagkatapos ng shooting ay dumiretso na ako sa restaurant kung saan gaganapin ang meeting para sa sponsor. High class ang restaurant na ginanapan sa meeting para wala masyadong tao dahil mahirap na pag may makakakita sa akin lalong wala akong dalang bodyguard.
Pagdating ko sa restaurant naroon na si Mrs. Diaz ang direktor ng company na sponsor ko.
"Miss Real, good evening have a sit" tumayo siya para salubungin ako. Niyaya niya akong umupo at umupo narin ako.
Sinuklian ko muna siya ng ngiti bago bumati."Good evening Mrs. Diaz." magalang kong bati sa kaniya.
Nginitian niya ako medyo matanda na siya ngunit lumilitaw parin ang kaniyang kagandahan lalo na blonde ang kaniyang buhok.
"As we discussed on the phone, our company wants you to be the model of our product. The head of the advertisement department will discuss you--."
Pagkatapos niyang idiskusyon ang mangyayari sa pagiisponsor ay may inilahad siyang papel, yun ang kontrata.
"You need to sign the contract to seal the deal." itinuro niya sa akin ang dapat pirmahan. Bago ko ito pinirmahan ay binasa ko muna para masiguro. "The deal is seal." ani niya pagkatapos kong pirmahan ang kontrata. Nagpasalamat ako sa kaniya at nakipagkamay sa akin nagpaalam ako kaagad dahil niyaya ako ng mga kaibigan ko na mag bar.
Pagdating ko sa bar ay usok, amoy ng alak at ingay ng bar ang sumalubong sa akin. Maraming tao roon, lalo ang mga nasa dancefloor they danced wild dahil sa alak narin kaya sumasabay sila sa bawat beat ng tugtog. Nahanap ko agad ang lamesa ng aking mga kaibigan.
Naroon si David na nakikipaglandian sa bagong girlfriend, si Jasmine na busy sa alak, at Daisy na nag boboysighting.
"Hey." medyo pasigaw kong bati sa kanila dahil malakas ang tugtog. Tumigil si David sa pakikipaglandian sa kaniyang bagong girlfriend at hinarap ako. Nakita ko sa kilid ng mata ko ang pag irap ng babae sakin. Saan na naman kaya napulot ni David to.
"Hi Penelope bakit ngayon ka lang?" naagaw ni David ang pansin ng dalawa kaya humarap sila. Umupo ako sa bakanteng upuan na kaharap ni Jasmin sa round table.
"Busy." yun lang naging sagot ko sa kaniya. Hinarap ko si Jasmin dahil mukhang problemado." Girl, any problem?" umiling lang ito bilang sagot. Hindi ko na siya inabala dahil may nakaagaw ng atensiyon ko.
Perfect jawline.
Pink lips.
Pointy nose.
Messy hair.
Thick eyebrows and eyelashes.
Those perfect body built.It cannot be it's been 4 f*cking years biglang kumalabog ang aking dibdib, it's been f*cking 4 years since I felt this in my system. Baka kamuka lang niya. Nakakapagpabagabag ang tingin niya, diretso siyang nakatingin sa akin. I didn't mind. Tinawag ko nalang ang waiter para umorder ng maiinom. Kailangan ko rin ito dahil sa stress sa trabaho. Hindi ko kailangan mag alala para bukas dahil wala akong gagawin pina clear ko ang aking schedule dahil planado na itong gagawin naming pag babar ng aking mga kaibigan.
Binalik ko ang tingin sa lalaki at nakatingin parin siya saakin. Those cold eyes that I can't resist, pero hindi ako sigurado umiwas ako ng tingin. Matagal na ang lumipas na hindi ko siya nakita, kaya nagdadalawang isip ako kung siya ba yun. Nanlamig ako ng may tumawag sa kaniyang pangalan. Dinig ko ito dahil malakas ang pagkakatawag.
"Patrios dude! Stand up there's a lot of girls on the dancefloor." siya nga Patrios my Rios but not now. Tinignan ko muli ito ngunit hindi na siya nakatingin sa akin kundi sa lalaking kumausap sa kaniya. Tumayo siya at pumunta siya dancefloor, may lumapit sa kaniyang babae sinayawan siya nito, sumayaw rin naman siya. Nagbago ka na hindi na ikaw yung Rios ko. Sumikip ang aking dibdib dahil sa aking nakikita. Nagpapasalamat ako sa waiter na humarang sa nakikita ko inilapag niya ang inumin na inorder ko. I obliged to the waiter. Nang umalis ang waiter natanaw ko na naman ang napapasikip ng dibdib ko.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na lilipat ako sa counter para malapit lang ang mga inumin gusto kong magpakalunod sa alak. Mga haplos niya sa babae, ang bawat galaw ng babae ay sinasabayan niya baka pagkatapos nito sa kama sila nagsasabaya--
"Hi your Penelope Real right?" hindi ko na natapos ang aking pagiisip dahil may lumapit na lalake.
"Yeah." tipid kong sagot, ayokong makipagusap gustong magisa. But it's rude I divert my attention to him so that I can distract my thoughts.
" Are you alone?" tanong niya mukhang inosente naman siya may kasama naman ako kaya hindi delikado.
"Nope. I have my friends with me on that table." turo ko sa direksyon kung saan ang lamesa ng aking mga kaibigan.
" I thought you are alone. I'm Justine Gonzales by the way." inilahad niya ang kaniyang kamay malugod ko namang tinanggap iyon. Medyo luminaw na aking paningin dahil sa alak at namukhaan ko siya. Sikat siyang teen idol. Ilang minuto kaming nagusap at marami narin akong nainom, nakaramdam ako ng pagbabaliktad ng aking sikmura. Nagpaalam muna ako kay Justine na sa ladies room muna ako dahil nasusuka ako. Inalok niya akong sasamahan pero tumanggi ako tinanaw ko muna ang mga kaibigan ko bago ako naglakad patungo sa ladies room.
Habang tinatahak ko ang direksyon ng ladies room ay marami akong nakabanggaan dahil sa hilo na aking nararamdaman, lumalabo ang paningin ko pumasok ako sa ladiesroom na malapit dahil nasusuka na ako pumasok kaagad ako sa pinakamalapit na cubicle. Lumabas ako sa cubicle nahimasmasan ako sa aking nararamdaman dumiretso ako sa gripo upang magmumog. Lalabas na sana ako ng may nagsalita sa aking likuran.
"Hindi ko alam na marami na talagang lalaki na nagmumukhang babae." ano?! Ako bakla. Bakit naman may lalaki sa ladies room? Humarap ako sa kaniya ngayon ko lang napagtanto namali pala ang pinasukan ko.
BINABASA MO ANG
Want Him (Reyes Series)
Romance"If the days won't allow us to see each other, memories will...and...if my eyes can't see you, my heart will never forget you." -