K a b a n a t a 5

8.8K 441 147
                                        

May tanong ako. Kapag maghahatid ka ba dapat nasa likuran ka? at nasa unahan yung ihahatid mo habang naglalakad kayo sa daan?

"Malayo ba ang bahay niyo?" kanina inalok ko siyang magcommute pero sabi niya naglalakad lang daw siya pauwi. Jusko ko, araw araw siyang naglalakad dito. Hindi ba siya nare-rape? Ang swerte siguro kung sino man ang makakarape sa lalaking to.

"Medyo" maikli niyang sagot habang naglalakad ng nakapamulsa. Yung magandang likod niya lang ang nakikita ko. Napahinto ako nung huminto din siya. Lumingon siya bigla sakin "Bakit anjan ka sa likod? Dapat kapantay mong maglakad ang hinahatid mo" ani nito. Edi pasensya na pogi, di ko alam. First ko lang kasing maghatid ng isang lalaki.

"G-ganon ba? Oh s-sige" agad akong tumabi sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang minuto pa ang nakalipas at ni isa wala man lang nagsasalira samin. Tae, napanis na yung laway ko.

Huminto siya sa tapat ng isang up ang down na puting bahay. Di kalakihan pero maganda at malinis tingnan "Dito na ako" maikli niyang sabi. Palihim akong sumulyap sulyap sa loob ng bahay nila. Parang ang tahimik, nakakatakot. Siya lang ba mag isa ditey? "Ikaw lang ba mag isa dito?"

"Uh no. Andito ang family ko. Sige umuwi ka na" Hinawakan niya ang balikat ko at tinulak ng mahina papaalis. Wow lang, ako na nga tong naghatid tapos di man lang nagpasalamat.

Naglakad na ako pero di ko maiwasang lumingon muli dun sa bahay nila. Andun pa rin siya sa tapat ng gate at nakatayo "Baekhyun!" sigaw ko sa di kalayuan.

"Oh?"

"Babye!" sigaw ko sabay kaway ng kamay ko. Too sad hindi man lang siya kumaway pabalik. Nginitian niya lang ako.

--

Mahina akong kumatok sa pintuan ng kwarto ni Kuya Taro "Pasok" rinig ko mula sa loob. Dahan dahan kong binuksan ang door knob at agad na pumasok sa kwarto niya. Ugh, ayan na naman yung pabango niyang sobrang tapang at ang sakit sa ulo. Bakit kaya ganon ang mga lalaki noh? Ginagawang pampaligo ang perfumes nila.

"Oh yuki, anong kailangan mo?"

"Kuya hinatid ko si Baekhyun kanina" sabi ko habang nakangiti ng bonggang bongga. Feeling ko nga lalabas na lahat ng ngipin ko. Isali mo na rin ang precious gums ko.

Busy siya sa pag aayos ng manga collections niya sa shelf "Ah ganon ba? Edi mabut--AANNOO?!"  Nakakagulat at nakakabingi.

Nahulog ko ang dala kong chichirya dahil sa lakas ng sigaw ni Kuya. Agad ko itong pinulot "Yung totoo, nakalunok ka ng microphone?"

Naihilamos niya ang dalawa niyang kamay sa mukha niya "Yuki akala ko nagjjoke lang. Tae, kababae mong tao naghahatid ka ng lalaki? Itigil mo na ang kahibangang ito" pagtatalak niya. Wew mukha siyang nanay na nireregla.

"Ingay mo. Alam mo bilang nakatatandang kapatid, dapat suportahan mo nalang ako" naglakad ako papunta sa kama niya at humilata ditey.

Natawa siya ng konti "Anong klaseng suporta ang gusto mo Yuki? Gusto mo bang gumawa ako ng banners na may nakalagay na 'go sister! kaya mo itey. get that boy' o magcheer sayo tuwing mag kasama kayo ni Baekhyun?"

"Kuya you're so lg. What i mean is, tulungan mo ako. Tell me what is the right thing to do. Kung ano ang dapat kong gawin at ibigay sa isnng lalaki. Tulad ng kung ano ang ginagawa mo kay Ate Nathalie vice versa version nga lang" hinila niya ang papaalis sa kama niya at siya ang pumalit sa akin sa pagkakahiga.

"Yuki, the right thing to do is to cut this crap. Pag hindi mo to itinigil, isusumbong kita kay mama" sus nakuha pang mang blackmail. Humanda ka sakin kuya. Akala mo ikaw lang meron?

Courting Byun BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon