Chapter 1

17 0 0
                                    

Linggo
Isang pangkaraniwang araw sa pangkaraniwang lugar. Hindi ko akalain na ito ang araw na talagang mamalasin ako nang sobra. Nasa loob ako ng National Book Store at hinahanap ang librong matagal ko ng gustong basahin. Nasaan ba 'yon?

"AAAAHH! Ano 'to?!" may isang nakakabinging sigaw ng isang babae mula sa labas. "Sabi mo pupunta kalang sa hospital para dalawin mommy mo kaya hindi ka makakapunta sa date natin! Tapos makikita kita sa mall na may kasamang iba! Sino siya?!" Grabe naman ang boses na 'yon, ang lakas. Parang kaibigan ko lang. (• -_- •)

"Ano 'yon?" tanong ng isang babae sa kaibigan niya na nasa kaliwa ko.
"May away ata sa labas." sagot ng kasama niyang babae.

"Tara tingnan natin!"

Sinundan ko lang sila ng tingin habang nagmamadali silang lumabas ng store. Yung totoo? Talaga bang may balak silang makialam sa kaguluhan sa labas?
Bakit hindi nalang sila makialam sa sarili nilang problema?

Lumapit ako ng pwesto at nakita ko ang librong hinahanap ko.
Buti nalang at nakita ko na! Dumeretso na ako sa counter para magbayad. Ako nalang yata ang magbabayad since lahat sila nasa labas at nanood ng pag-aaway nunf dalawang kund sino man 'yon. Pagkatapos ko rito saan ako pupunta? Salon? Hmm.

Lumabas ako ng National Book Store at nakita ko ang bastfriend king si Michie na umiiyak sa harap ng isang matangkad na lalaki na may katabing isang magandang babae.

HAAAA?! Anong ginagawa niya dito?! Siya yung sumusigaw kanina pa?!

"Ang kapal mo! Ayoko ko nang makita ang pagmumukha mo! Taksil ka! sigaw ng kaibigan kong si Michie sa harap ng lalaking hindi ko kilala.

😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😉😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

Talk Back and you're DEAD!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon