16 Adherence

938 21 12
                                    

Denise's POV

Huminga ako ng malalim bago muling tumingin kay Mr. Laketon. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong hindi na siya nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang pawis ko; kahit hindi naman mainit, pinagpapawisan ako ng lubos. Saglit na umubo si Mr. Laketon, saka nagsalita.

"Guests, alumni, students, welcome to our Annual Ball!" Masigla niyang bati. Nagpalakpakan ang mga tao. Hindi ba nila alam? Wala ba silang ideya sa mga maaaring maganap? Napapikit ako. Kung may mangyayaring hindi kaaya-aya, madaming inosenteng tao ang madadamay.

Muling nanumbalik sa aking isipan ang araw na pinatay nila si mama... Hindi, hindi siya si mama. Si Nurse Tin. Nadamay lang naman siya, ako ang gustong makuha ng mga pumatay sakanya.

Hindi ko hahayaang may madamay na iba.

Napabalik ako sa realidad nang maramdaman kong kinukurot ni Ash ang braso ko.

"Venise?" Mahinang tawag ni Ash.

Alam ko na anong gagawin ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya. Naalala ko ang mga araw na pinaramdam niya sa aking espesyal ako para sakanya. Hanggang sa huling sandali.

Patawarin mo ako, Ash.

"Mag-si-cr lang ako, Ash." Mahina kong sabi. Pinigilan kong manginig ang boses ko.

"Samahan na kita." Alok niya.

"Wag na, babalik ako agad." Hindi ko alam kung babalik ba akong buhay, Ash.

Ngumiti si Ash. Agad akong tumayo, tumalikod at naglakad palayo sakanila. Ramdam ko ang mga mata niya, nakamasid. Ipinasok ko ang kamay ko sa aking bag -- kinapa ko ang malamig na baril. Muli akong tumingin sa gawi ni Ash at nagtama ang mga mata namin. Nginitian ko siya. Ilang segundo ko rin siyang tinitigan, kinakabisado ang kurba ng ngiti niya, ang kislap ng mga mata niya. Baka ito na ang huling beses na makikita kita, Ash.

Patawad.

---x---

Hello, readers! Matagal rin akong nawala, graduating kasi ako. Sobrang nakakataba ng puso na kahit hindi ako nakakapag-update, sinusuportahan niyo parin ang fanfic na ito hhuhuhuuhhuhuhu salamat! At dahil doon, mag-uupdate na ako araw-araw or every other day, promise! Pero paiksi-iksi lang, para may masubaybayan kayo :> bukas ulit! Xoxo

Class 3-C has a Secret: Et Mortua Est (FANFIC)Where stories live. Discover now