Rivals in Love

2.4K 51 1
                                    

Rivals In Love

written by: lady_phoenix16

HINGAL na hingal si Cielo nang sa wakas ay marating din niya ang tanyag na Phoenix University. Ang school kung saan rich and famous lang ang mga estudyanteng nag-aaral. Kung hindi matatalino ay mga estudyanteng may gintong kutsara ang bibig lang ang mga nakakapasok doon. Ayaw na ayaw naman ng Mama niya na roon siya mag-aral pero wala rin itong nagawa nang halos maglupasay siya sa sahig mapagbigyan lang.

Lihim siyang napangiti dahil sa wakas ay makikita na rin niya si Michael. Ang kanyang iniirog at sinisintang lalaki. Ang laman ng pantasya niya gabi-gabi. Ang kanyang knight-in-shining armor na sinundan pa niya mula sa Cavite hanggang sa Makati. Doon na kasi ito nag-aral nang tumuntong na ito sa college.

Kababata ng ate niyang si Jhayne ang lalaki. Dati ay madalas siyang magpa-cute rito at pilit siyang sumasama sa Ate Jhayne niya para lang makita si Michael. Nagdadala pa siya ng Questor Magazine dahil alam niya na mahilig sa anime noon si Michael. Pero masyado pa siyang bata noon dahil sampung taong gulang pa lang siya kaya malabong magustuhan siya nito. Ang akala nga niya ay ang Ate Jhayne niya ang type nito pero hindi naman pala. Kaya naman pala madalas magkasama ang Ate niya at si Michael ay dahil tibo ang ate niyang si Jhayne na ngayon ay 'Gino' na ang tawag sa sarili.

Pero ngayong seventeen years old na siya ay pwede na siyang kumerengkeng. Hi-hi-hi... Hindi na siya ang dating sipuning bata na madalas pang magpapunas ng sipon dito noon. Ang ganda at ang sexy na niya kaya siguradong maglalaway si Michael kapag nakita siya nito. Excited na siyang magka-boyfriend! Yipee!

Ang bigat naman ng mga ito. Hay... Kung nandito lang sana si Kuya Michael ay ang sarap na siguro ng buhay ko. Gentleman siya kaya sigurado na gagawin niya akong prinsesa. Hi-hi-hi... pag-iilusyon niya habang nagbubuhat ng maleta paakyat ng school. Malapit na siya sa main entrance at kaunting kembot na lang.

Kakembot nga niya ay nanlaki ang mga mata niya nang biglang bumigay ang hawakan ng maleta at biglang gumulong pababa ang mga gamit niya at nagkanda-sabog-sabog ang mga damit niya! Mabuti na lamang at walang nasaktan pero nang tumingin siya sa ibaba ay mayroon siyang nakitang lalaki roon! At agad na namula ang mukha niya nang makitang nasa mukha pa nito ang panty niya!

Nagmamadali siyang bumaba para daluhan ang lalaki. Kukunin na sana niya ang panty sa mukha nito pero napatulala na lang siya sa mala-adonis na kagwapuhan ng lalaking nasa harap niya.

Ba-dump... Ba-dump... Ba-dump...

Narinig niya ang sariling tibok ng puso niya. Hindi niya maiwasang hindi maglaway ng literal sa ka-gwapuhan nito. May pagka-brown ang buhok nitong medyo kulot. Matangos ang ilong nito at mapilantik ang mga pilik-mata nito habang parang nanghihigop naman ng kaluluwa ang pares ng mga bilog na bilog na mata nito. Hindi katangkaran ang lalaki pero halata naman na matipuno ang katawan nito dahil bumabakat iyon sa manipis na sandong suot nito kahit pa na mapayat ito.

"Bakla ka! Ano, tapos ka nang magpantasya sa akin? Itong panty mo, nakakadiri ka!" Saka nito isinalaksak sa mukha niya ang panty na nalaglag sa sahig.

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses nito! Bading ito? Shokle, beki, boom na boom as in ala-vice ganda?!

"You're gay?!"

"Don't state the obvious, stupid girl! Kung may plano kang mang-akit ng lalaki sana nag-try ka na lang tumalon sa ilog pasig at baka sakali na mayroong mag-playing superhero sa 'yo! Kadiring frog. Tingnan mo nga panty mo, polka dots at walang garter! Parang naninilaw pa ang gilid. TUTONG NA PANTY! ewww! So unattractive!" maarteng sabi nito na nag-cross arms pa.

Tumaas ang isang kilay niya. "Tutong na panty? Naninilaw? Kapal mo ah!" Umakyat na agad ang dugo sa ulo niya. Kapal ng mukha nitong bading na 'to. Naninilaw daw at nagtututong daw ang panty niya eh halos tatlong araw na nga niyang binababad sa zonrox ang panty niya! "Naninilaw ang panty ko o ang mga mata mo ang gustong mong manilaw kapag hindi mo binawi 'yang sinabi mo? Gusto mo bangasan ko 'yang mukha mo?!" sigang sabi niya saka itinaas ang manggas ng damit at umarteng parang si Manny Pacquio.

"Kimiko?" Bigla silang nakarinig ng tawag mula sa likuran nila sa itaas ng hagdan. At bumalik bigla ang pagkababae niya nang makitang si Michael iyon! Ang kanyang love of her life!

Mas lalong naging gwapo si Michael sa paningin niya. Maputi ito at matangkad. Malinis ang gupit ng buhok, matangos ang ilong, kissable lips at pantay-pantay ang ngipin. Para itong isang tunay na prinsepe kahit hindi pa ito ngumingiti!

"Michael, help me! May baliw na babae, inaapi ako! She wants to hurt me! I'm so scared!" maarteng pagsusumbong ni Kimiko na mabilis pa sa kabayong umakyat ng hagdan sabay lambitin sa prinsepe niya!

Nanlaki ang mga mata niya! Bading! Zombading talaga ang lalaking halos pinaglawayan niya kanina! Nag-uumpisa na itong aswangin ang prinsepe niya!

Ginugulo pa ni Michael ang ulo ni Kimiko na para itong bata at sinasabing okey lang ang lahat. Hinayaan lang nitong maglambitin sa braso nito iyong mahaderang kalahi ni Lorelai sa Tv Series na Marina.

Hanggang sa magtama ang mga mata nila ni Michael. Kinabahan siyang bigla. Matatandaan pa kaya siya nito?

"Wait, I know you..." sabi ni Michael na lumapit sa kanya. Napalunok naman siya. "Kirara? Tama! Ikaw nga si Kirara!"

BOOM! Nagtinginan ang lahat ng mga estudyante roon dahil sa tinawag sa kanya ni Michael her labs. KIRARA raw. Kasi naman napakanegra niya dati. Ni hindi pa nga yata siya mahilig maligo noon kaya madalas nanlilimahid siya kapag binibisita sila ni Michael sa bahay. Isang alaskador na kaklase nila ang tumawag sa kanya dati ng KIRARA kasi para raw siyang taga-bundok dahil naknakan siya ng itim. Maikukumpara nga raw ang kaitiman niya sa tutong ng kanin e.

At sa totoo lang ay parang gusto na niyang lumubog sa kahihiyan na tinawag siyang 'Kirara' ni Michael her labs. Naman. Parang pinapaalala nito sa kanya ang pait ng kahapon e! Hu-hu-hu...

"Na-miss kita Kirara! Kumusta na Ate mo?" Bigla siyang niyakap ni Michael. Ang bango. Parang nanuyot sa ilong niya ang amoy nito. Lalayo na sana si Michael pero para siyang lintang kumapit. Ohemdyi, pakiramdam niya ay nasa heaven na siya!

"Hoy tutong panty! Bitiwan mo ang labidabs ko!" reklamo ni Kimiko saka sapilitan nitong inilayo sa kanya ang prinsepe niya.

Napasimangot siya. Hindi pa man nag-uumpisa ang kwento ay may kontrabida na agad sa buhay niya.

"Kimiko, don't be mad at her okey? She's my friend's little sister and she's also like a little sister to me so please be kind to her. Ayaw kong nag-aaway kayong dalawa." Sinaway ni Michael sa Kimiko. Ngumuso naman ang zombading saka siya pailalim na inirapan pero para naman itong maamong tupa pagharap nito kay Michael.

"Sure Pretty Boy! Basta mahalaga sa 'yo ay mahalaga na rin sa akin! Nagulat lang naman talaga ako sa pagiging bayolente nito ni pretty girl pero sa tingin ko naman ay magkakasundo kami!" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Kimiko.

Plastikang frog. Sarap hilahin ng dila huh.

Tinulungan na siya ng dalawang lalake este isang binabae at isang lalaki pala na damputin ang mga damit niyang nalaglag mula sa maleta. Hiyang-hiya siya kay Michael dahil nakabuyangyang pa sa sahig ang bra niya at kitang-kita nito na maliit lang ang mga iyon. Si Kimiko naman ay nakanguso pa rin at ubod ng arte na tumulong.

Rivals in Love (Part Of Kwentong Barubal Published Book By LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon