PART II: CLOUD NINE

737 30 2
                                    

"AYOS ka na ba rito Kirara? Ah, sorry, Cielo pala. Gusto mo bang tulungan pa kitang mag-ayos doon sa loob?" nakangiti at sobrang bait na tanong sa kanya ni Michael nang ihatid na siya ng mga ito sa dorm niya sa Phoenix University.

"Okey na Kuya Michael. Nakakahiya sa 'yo, tinulungan mo na nga ako sa labas eh."

"Hindi ka na iba sa akin Cielo. Kapatid ka ni ate- Ah, ng Kuya mo kaya mahalaga ka na rin sa akin," sabi nito dahil kanina lang din nito nalaman na hindi na 'ate' si Jhayne kundi 'kuya' na. Sa gulat niya ay bigla nitong kinuha ang maliit na cellphone niya na nakasabit sa leeg niya at pinindot iyon. "That's my number, don't hesitate to call me if you need some assistance. Kilala ako rito because I'm the president of our student council kaya kung sakaling may mang-api sa 'yo, just let me know." Napatingin siya sa nakasimangot na lalaki sa likuran ni Michael. Kung pwede lang sana na isumbong niya sa prinsepe niya ang aswang sa likod ay ginawa na niya. Kaso mukhang close na close ito sa Kuya Michael niya.

"Thanks Kuya," matamis ang ngiti na sabi niya na titig na titig dito.

"President Michael. Kailangan na raw po kayo sa meeting ng buong council." Bigla silang nakarinig ng tawag mula sa likuran nila. Isang sexy at magandang babae ang nakita niya.

"Okey, susunod na ako." Binalingan siya ulit ni Michael. "I have to go but I will be back later to check up on you. For the mean time, si Kimiko muna ang bahalang sumama sa 'yo."

"What? No way!" reklamo agad ni Kimiko.

"Please Kimiko? Bago lang si Cielo rito kaya ayaw kong mailang o manibago siya. Wala ka namang klase ngayon kaya kung pwede lang ay pakisamahan mo muna siya."

Nanahimik si Kimiko. Ayaw din naman niyang makasama ang plastikang baklitang ito pero ayaw naman niyang tanggihan ang offer ni Michael.

"Fine." Halatang napilitan lang ang lalaki.

Napangiti naman ang mabait na si Michael saka ito biglang yumakap kay Kimiko. Napapikit naman na parang lumutang sa cloud nine ang mahaderang bakla! Tumitirik-tirik pa talaga ang mata na parang nag-iisip ng 'something green'.

Pinigilan niya ang sariling maduwal. Bakit ba nauuso na ang mga bading at tomboy sa mundo?

Nang maghiwalay ang mga ito ay siya naman ang binalingan ni Michael. "Again, I'm so happy that you're finally here. I'm glad na ang Phoenix University ang napili mo para mag-college. Welcome Cielo." Siya naman ang niyakap ni Michael ngayon kaya naman napansin niya na parang nagngingitngit sa selos si Kimiko.

Nilabas niya ang dila para asarin ito.

Akala mo ikaw lang ah, sabi ng isip niya. Damang-dama niya na parang gusto na siyang kalbuhin ni Kimiko. Nakakatawa ang mukha nito na parang luluwa na ang mata.

Para pa rin siyang nananaginip hanggang sa tuluyang nang makaalis si Michael at namalayan na lang niya na wala na pala ito.

"HOY!"

"Ay palaka!" napatili siya. Naramdaman niya na parang may itim na aura nang papalapit sa kanya.

"Huwag kang ambisyosa! You just got here pero mukhang nag-iilusyon ka na agad na agawin sa akin si Michael! He's mine so back off!" Babala sa kanya ni Kimiko.

Natawa lang siya sa kabadingan nito.

"Sorry ka na lang pero hindi ako magpapatalo sa 'yo dahil nandito lang naman ako para sa kanya," nakangising sabi niya na parang naghahamon.

Wala na itong masabi at halatang pikon na pikon na umalis na lang sa harapan niya.

Rivals in Love (Part Of Kwentong Barubal Published Book By LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon