Di ko lubos maisip na masaya pala ang magmahal. Dahil ilang beses na akong lumagapak dahil sa pag-ibig na hangal. Ang mayamot kung buhay biglang nagkaroon ng sigla. Siglang di mapigilan, Siglang di maawat.
Mga ngiti sa labi ko lumabas, na minsan ay nakakulong sa lilim ng aking bibig. Mga pangako mo na hanggang sa huli ikaw. Ikaw, ang magtatanggol sa akin.
Ikaw, ang papahid sa mga luha kong minsan mo ng nasaksihan. Ikaw, ikaw ang siyang makikita ko pagdilat ko sa aking mga mata. Ikaw, ikaw na magiging isa sa aking kritiko sa lahat ng mali ko. Ikaw, na siyang magiging huli kong mamahalin.
Dinala ako ng iyong pag-ibig sa ere, pero di ko akalain na sa ere mo din pala ako bibitawan at ihuhulog. Tila bang ikaw ay nabagok at nagkaron ng sakit na pagkalimot. Limot na nagbigay dilim sa mundo nating makinang. Limot na sadyang nagpakupas sa nag-aalab mong damdamin. Ang dating alab na biglang naging abo.
Natigil ang mundo nating dalawa. Ang mga dating salita mong nagpapasaya ay bigla nalang nagbigay sakit at kirot sa aking dibdib. Balang araw ako naman ang makakalimot. At sa pagdating ng araw na yun, lakas loob kong sasabihin sa sarili ko, na nakayanan ko ang limotin ka at maging masaya.
YOU ARE READING
LIMOT
PoetryThis is a poem from a person who found love and then lost it. A love that gave her hope but end the end gave up on her. And that made her believe that there isn't hope in Love, only selfishness.