Simula
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
Takbo..
at isa pang Takbo..
At isa pa ulit..
Hanggang sa marating ko na ang kalagitnaan.
Yapak lang ng aking sapin sa paa at Pag-singhap ng mga tao sa paligid ang maririnig pagpasok sa simbahan. Halos lahat atensiyon ng mga ito'y nasa akin narin. Ang iba panga'y nag lalakihan na ang mga mata, Tanda ng pagka-gulat dahil sa pagiging maarte nila. Over Acting kumbaga .
"Kung sino man ang tumututol ngayon maaari..-"
"ITIGIL ANG KASAL" sigaw ko.
Hindi ko tinangka pang tignan ang mga tao sa kaliwa't kanan ko, tanging ang mga tao sa harapan ko lamang ang binigyan ko ng pansin.
"ITIGIL...ANG...KASAL..."
Bulungan.
Bulungan.
Bulungan.
Kahit sa simbahan may chismisan. Kita niyo na? Tsk.
"Sabi ko na nga ba babaero yan"
"Wag muna tayong humusga"
"Hindi naman siya ganoon"
"Anong hindi! Sana wala yang babae ngayon!!"
"Kawawa naman si Sheena"
"Hmmpft! Buti nalang wala pang pirmahang nagaganap at nalaman na agad na hindi siya para sa pamangkin ko!"
"Marlon! Sino yang babae na yan!" - bulong ng bride na dinig galing sa malapit na mikropono.
Nakakatuwa na maging ang bride ay aligaga na. Iyan naman ang purpose ng pagpunta ko rito.
Sorry not sorry , hindi ako makapapayag na ganito nalang! Bigyan pa natin ng mas exciting na palabas."MARLON! PAANO NA AKO? HINDI MO MAN LANG BA PINAHALAGAHAN ANG PAG - SASAMA NATING DALAWA HA? HALOS DALAWANG TAON MARLON! PAANO NA AKO NGAYON NG WALA KA! HINDI KO KAYA, PAANO ANG BATANG DINADALA KO? ANO?! PURO SARAP NALANG BA?!!" Madrama kong untag.
"Ha?"
"Ano?"
"What the ffff...!"
"Ssssh..nasa simbahan tayo! Your mouth! !"
"Anong nagawa mo MARLON!"
"Man! Ang laki ng gulong pinasok mo!"
"Pinasok talaga! Pre! Ayun buntis ang babae mo!"
"Buntis pa daw! Puch- spa..-"
"Marlon! What's the meaning of this?" Umiiyak na tanong ng bride
"Hon, hindi ko siya kilala!" Histerikal ng sagot ng groom
"At Buntis pa talaga siya...." - mapaklang wika ng bride
"Well! She's pregnant. Obvious naman. Pero Hindi ako! HINDI AKO ANG AMA." pag kla-klaro ng groom.
"O? Hindi naman pala kilala!"