Sana'y mapansin mo ako.
Ako, na laging naririto para sayo.
Sana'y mapansin mo ako.
Na handang maglingkod sayo.Sana'y mapansin mo.
Ang puso kong ito.
Na tumitibok lng para sayo.
At ang isip ko na ikaw lang ang laman nito.Sana'y mapansin mo.
Ang tulad ko.
Na mahal ang isang tulad mo.
Na handang magsakripisyo .
Para lang sayo.Sa una ako sayo'y humahanga.
Habang tumatagal,ika'y minamahal na pala.
Dahil ako ay isang tanga.
Na umaasa sa taong may iba na.Gusto kong umamin sayo.
Na ika'y gusto ko.
Pero sa iba ko na lng pinasabi na ikay gusto ko.
Dahil ako'y nahihiya sayo.Ako'y nahihiyang umamin sayo.
dahil baka ika'y lumayo.
Takot akong lumayo ka.
Dahil sa buhay ko minsan ka ng naging mahalaga.Ngayon aamin ako sayo.
Sa pamamagitan ng mga tula ko.
Na ika'y pinapangarap ko
At ika'y mahal ko.Pero dahil sinabi mo.
Na magkaibigan lang tayo.
Ako'y nasaktan.
Sa aking napakinggan.Naisip ko na dapat na akong lumayo.
Baka lumalala pa ang nararamdaman ko.
Kung magiging magkaibigan pa tayo.
At baka masaktan lng ako ng todo.Pasensya ka na.
Kung ako'y tanga.
Tanga na nagmamahal sayo.
At umaasa sayo.Sana may panahon ako.
Na mag usap tayo.
At para masabi ko .
Ang tunay na nararamdaman ko.Kung makakapag usap man tayo.
Gusto kong huminto ang mundo.
Upang mas mahaba pa ang ating usapan.
Usapan na tungkol sa tunay kong nararamdamanIsang ngiti lng galing sayo.
Masaya na ako.
Pati na rin ang puso ko.
Kaya sana'y mapansin mo.