3: Guilty

27 10 4
                                    

____
"Ang tagal naman nila Eric at Badet" Naiinip na sabi ni Franco. Office mate ko din. Sus, ayokong makita yung kumag na yun.



"Bakit? Hindi ka ba makakakain pag wala sila!" Pagtataray ko sabay dampot ng kutsara at magsisimula na 'kong kumain.




"Anong problema mo? O yan na pala si Eric e" Nakadungaw si Franco sa likuran at mukhang tatabihan pa 'ko ng kumag.



Hay! Ano ba nabubuwisit pa din talaga 'ko sa ginawa niya sa'kin kahapon, tss!


Ibinaba niya na ang pagkain sa lamesa at dahil sa tabi ko pa talaga siya uupo palihim kong sinipa ang uupuan niya nang dahan dahan, dahilan para lumagapak ang puwitan niya sa sahig! Hahahaha Bingo!



Tinawanan ko siya nang malakas at napatayo rin si Franco sa pagkabigla nang pagbagsak niya.
"O pre! Anong ginagawa mo?"





Hindi nangaasar ang tono ng boses ni Franco, sa halip ay parang nagaalala pa ang tono niya tapos ako ang lakas pa ng tawa ko, hmp!



Pinag mukha pa 'kong masama nang Franco na 'to nakakainis inaasahan ko pa naman na tatawa din siya, bakla siguro to! Bakla!




"Ano?" Tanong ko kay Eric, na masamang nakatitig sa'kin. Muli niyang kinuha ang pagkain at umikot papunta sa puwesto no Franco.


"Hay naku, kayo talagang dalawa..." Yun na lang ang nasabi no Franco at naupo na rin para ituloy ang pagkain.

'Diba dapat masaya 'ko ngayon dahil nakaganti na 'ko?


But, why do I feel so guilty?



Ang bigat tuloy sa pakiramdam...


Dahan dahan lang ang pagkain ko, ewan ko ba nawalan na talaga 'ko ng gana...



Pakiramdam ko ang sama sama ko...

*Sa telepono may tumatawag, sagutin natin, sa telepono may...🎶🎵*



Cellphone ni Franco ang bumasag sa katahimikan namin, "Guys, labas lang ako ah" paalam niya. "Hello..."



Sabay kami ni Eric na napatingin sa papalayong si Franco at pagkatapos ay napatingin din sa isa't isa, agad akong umiwas ng tingin...


"Crystal!" Pagtawag sa'kin ni Badet. Ba't ngayon lang ang babaeng 'to.



"O!" Sabay abot nang napakalaking teddy bear sa'kin, inilapag ko lang yun sa sahig alam ko naman kung kanino galing. "Bakit ganyan yang mga mukha niyo?"



"Wala naman, kumuha ka na ng pagkain mo" utos ko sakanya. Na awkward an na kasi ako e.


"Ay hindi na, sa labas ako kakain kasama si Gio" Yun lang at naglakad na ulit siya palayo. "Byeeeee"




"Hindi pa din siya tumitigil?" Napatingin ako sa nagsalita at direkta siyang nakatitig sa mga Mata ko.

"Hm" napatango lang ako.




"TSS, nangangamoy guilty" Nakangiti siya mukhang nang aasar na siya.


"SORRY" I mean it.



"Sorry din" What? Nagsorry din siya? Napangiti ako sa narinig ko. "Hindi ko kasi tinuloy yung halik, nagalit ka tuloy" The fudge! Ano daw?

Napaduro ako sakanya gamit yung tinidor ko at kasabay naman nun ang pag angat niya nang dalawang kamay with that please-wag-po-surrender-na-ko Look!



Ibinaba ko na ang tinidor at nakita ko na naman ang pag bungisngis niya, *Hindi ko kasi tinuloy yung halik* Gosh! Ba't ko ba naiisip yun...


Halik? Bakit nga naman niya 'ko hahalikan? Tyaka duhh' bakit ko naman gugustuhin na halikan niya ako? Gusto ko ba yun? Siyempre ayaw ko nu! Pero bakit ko inabangan ang pag dampi ng mga labi niya sa labi ko... A-at at tyaka bakit ako ngumuso? Yaaaaaaaaaaahhhhhh




Napasabunot ako sa buhok ko nang tuluyang bumalik sa aking isipan ang lahat ng pangyayari kahapon, Napaka gaga ko talaga!


"Huy!" Pinigilan niya ang kamay ko. "Anong nangyayari sa'yo?" Natatawa niyang sabi. "Tyaka bakit namumula ka?"



Napaigtad ako nang mapansing hawak niya na naman ang kamay ko para akong napaso at marahas na binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.



"WALA!" Nakatayo siya sa gilid ko at kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya, hindi ko naman mapigilan ang mata ko na tumitig ng masama. "Hindi ako namumula, bumalik ka na nga sa upuan mo! Shoo!"



Natawa lang siya at pagkatapos ay tinulak niya ang ulo ko gamit ang hintuturong daliri niya, asar!




"Well sincere nga pala 'ko sa pag hingi ko ng tawad ha" He said, pagka upong pagka upo niya. Wow, talaga lang ah.



"And about dun sa ex mo, siguro mas maganda kung kausapin mo na siya ng maayos" Sus, kung alam mo lang! Nagmakaawa na ako at lahat, wala pa din. Tss!




"At bakit naman napunta dun ang usapan?" Tanong ko.




"Bakit mas gusto mo bang pag usapan yung naudlot na kiss?" Yuck! Shatap!



"Akala ko sincere ka?!" Nagtaas na 'ko ng boses.



"Sa kiss?" Pang uuyam niya.




Tumayo na 'ko, "HMP!" Aalis na lang sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko para mapigilan ako sa gagawin kong pag wo walk out.



"Maupo ka na nga" Sabay hila niya sa'kin dahilan para mapaupo ulit ako. "Ubusin mo muna ang pag kain mo bago ka umalis halos wala pa kasi ng bawas e" Biglang sumeryoso ang awra at pagsasalita niya.




"O eto" Sabay lagay ng steak niya sa Plato ko. "Peace offering ko yan at the same time suhol na rin para sabayan mo lang akong kumain" At pagkatapos ay dahan dahang ngumiti bago tuluyang ituon ang atensyon sa plato niya.



Hala ano 'to, Bakit bigla na namang nagbago ang mood ko. Hindi ko mapigilang hindi mapahawak sa pisngi ko pakiramdam ko kasi ay nagiinit na ito.



Ang ewan lang, Bipolar siguro 'ko!

Not Guilty (Unleashed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon