IT ALL STARTED IN THE CLUB

2.8K 23 0
                                    

I am Agatha Cruz, 19 and a 3rd year college student. Secretarial student by day and a club waitress by night. May simpleng pangarap na makapagtrabaho sa isang magandang kumpanya at mamuhay ng maginhawa.



But that was years ago. Nung di ko pa siya nakikilala. My the one who must not be named.



Exactly 3 years ago, a man with black wavy hair, deep hazelnut eyes, aristocratic nose, prominent jawline and a luscious lips caught my attention. He walked like a proud man he is. I could bet my whole salary that the man could get any woman he wants by just looking at them with no sweat at all. With that lean, toned and sculpted- like body plus the fact that he's tall, standing at least 6ft?



Who wouldn't?



Nakakabighani. Nakakatulala. Nakakalula. That was exactly my words on how to describe him.



A f.cking demigod. Being this devilishly handsome should be a sin. His kind should be illegal. Malamang marami na ang nagkandarapa sa katulad niyang pinagpala sa lahat.



Aba siya na!



And by just standing, you'd know that this man speaks wealth, power and authority. Unang tingin mo palang alam mo nang hindi sa iisang katulad ko siya nababagay.
———————————



"Agatha!"



"Uy, Agatha!" tawag pansin ng best friend kong si Analie. Nag aayos na kasi ako ng gamit ko dahil tapos na ang klase. Kailangan ko na ding bilisan dahil rush hour at baka matraffic ako sa pinapasukan kong trabaho,



"Bakit, Ana? May problema ba?" tanong ko sakanya habang abala padin sa pagliligpit ko ng gamit.



"Loka, wala syempre! Sasabihin ko lang na di ako makakapasok sa trabaho mamaya. Pakisabi nalang kay boss ha? Baka hanapin ako eh may aasikasuhin ako ngayon dahil pasahan ng requirements." mabilis na sabi niya habang kinukumpas pa ang kamay.



Tumingala ako sakanya at ngumiti bago sumagot.
"Ah sige, ako nang bahala. Tsaka sabi naman ni boss na di naman natin kailangan araw araw pumasok dahil part- time lang naman yun basta magsabi lang. Kaya sure akong okay lang na di ka pumasok ngayon."



"Salamat, dabest ka talaga! Tsaka nga pala, maswerte ka nga at patapos kana. Aba isang buwan nalang pala. Bat naman kasi di nalang ako kumuha ng kursong katulad sayo. Tatlong taon lang. Buti ka pa!" natawa naman ako dahil nakasimangot pa siya habang nagsasalita.



"Ano ka ba naman Ana, ayos lang yan. Parang isang taon lang naman pa ang hihintayin mo para matapos. Mabilis nalang yan." sabi ko sakanya pang palubag loob man lang.



"Oo na ho. Oh siya sige, una na ako, ha? Mag-ingat ka sa pagpasok at mamayang pag uwi sa dorm." sabi niya sabay beso at kaway saakin. Ngumiti naman ako at kumaway pabalik hanggang sa nakalayo na siya. Mukhang nagmamadali ang babaeng yun talaga dahil yung ibang professor eh mahigpit sa deadline ng requirements.



"Hay Agatha, konti nalang makakapagtapos kana. Isang buwang pagtitiis nalang." Buti nalang talaga at magtatapos na ako. Konting nalang matutupad ko na ang isa sa mga pangarap ko, ang makakuha ng diploma.



Pumikit ako at ngumiti ng kaunti. Kung andito lang sana sina nanay at tatay malamang masaya sila dahil sa wakas ay makakapagtapos na ako sa kolehiyo.
———————————


"Good evening po Mamita! Meron po palang pinapasabi si Ana, hindi daw po siya makakapasok ngayong gabi." sabi ko kay mamita sabay beso, siya yung boss namin ni Ana dito sa trabaho,



IT ALL STARTED IN THE CLUBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon