kung tatanungin niyo ako sa pamilya ko noon, wala akong masasabing matino
yung tatay ko inuumaga sa inuman, umuuwing lasing at eto naman ako lagi siyang inaalalayan
mag mamano ako kahit wala na siya sa katinuan, pinipilit na pakisamahan hanggang sa dumating sa puntong hindi ko na kayang pagtiisan
pag hindi naman bote ang kasama niya nandun siya sa sugalan, pilit na lumalaban sa bawat pustahan at nung panahon na nangailangan, walang tigil sa pagtulo ang luha ni mama
di makapagisip ng maigi, hindi na alam kung ano pang magagawa, hindi na alam kung papaano,dahil ang pambili ng gamot ay tuluyang naglaho
ginamit lahat ni papa sa bisyo
isa-isa, paunti-unti, rubbershies, electricfan, oventoaster, ricecooker, tv, laman ng bahay namin unti-unting nawawala kasama ng kaniyang bait, dahil parang araw-araw umuuwi si papa ng galit
at ng hindi na makayanan ni mama, naglakas loob siyang iwanan si papa, hindi na sana humantong pa sa ganitong eksena, pero nasaktan ako ng tuluyan na niyang talikuran ang salitang 'PAMILYA'
duon nabuo ang galit ko sa kanya, kinalimutan kong meron akong ama at nagsikap akong i-ahon ang kapatid ko at si mama, at dumating ang buhay na sagana
kahit kaminlang sapat na para maging masaya, pero hindi ko inaasahang isang araw may babalik na lang bigla, nilukot at niluma ng isang pamilyar namukha
hindi ako magkakamali, hindinko siya papapasukin, hindi ko siya kayang tanggapin, pero si mama pilit na pinapaintindi sa akin.
'bakit tinanggap mo pa rin yan??'
'tatay mo parin siya'
yun ang tanging salitang lumabas sa bibig niya
sinubukan kong pagbigyan naa.sa amin ay muli siyang nanirahan, pero hindi ko pa rin mapigilan sa simpleng pagkakamali ay labis ko na siyang kinagagalitan
mas mabuti ng wala ka na lang, walang ikaw, walang ama, walang padre de pamilya,at dun ko nakita ang muking pagtulo ng iyong mga luha, akala ko magmamatigas ka, pero tinanggap mo ang parusa, pinili mong mag-isa para hindi na mag kagulo pa, ayoko na sanang lingunin ka pa,pero hindi ko kayang malunod sa pangungulila ng mga luha na pumatak mula sa mga mata ng kapatid kong sabik sa buong pamilya
lahat ng tao ay owedeng magbago, hindi ko dapat pinairal ang galitng puso ko.