Sapatos

50 5 0
                                    

Panahon ay mainit, maingay sa paligid. Lahat ay nagmamadali, walang pakialam kung ano ang masanggi. Isang babae, naglalakad pabalik-balik. Meron siyang akap ngunit hindi ko mawari sapagkat ito ay taklob ng kanyang bisig.

Habang siya'y naglalakad, lumilingon sa paligid. Nag-iisip ng malalim at sinusuri ang bawat taong maabot ng kanyang paningin. Makikita sa kanyang mukha ang kalungkutan hindi ko alam saan nanggaling.

Maya-maya siya'y lumuha, tumingin sa langit na parang may sinisilip. Huminto sa gitna ng magulo at maingay na mundo. Muling humakbang patungo sa kawalan.

Sa kanyang paglalakad, bigla siyang tumumba. Nahilo at nawalan ng pinagmumulan ng lakas. May mga sumigaw at may nagtakbuhan patungo sa kanya. Dugo ay umagos at tumilapon ang kanyang dala. Isang pares ng sapatos na pilit niyang inaabot ng kanyang kamay at siya'y nagsambit na " patawarin mo ako sa aking mga pagkukulang ". At dahan-dahan pumikit ang kanyang mga mata habang may luhang punapatak.

2014

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SapatosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon