'Yung sa sobrang sakit, hindi mo magawang magpatawad at kahit ikaw mismo, gustuhin mo mang patawarin siya hindi mo kaya. Sa tuwina'y bumabalik ang lahat ng sakit at lagi mong naalala kaya kahit na gaano kaganda ang ipinapakita niya sa 'yo, ultimo 'yung kaliit-liitang ginawa niyang mali, napapansin mo.
Paano nga ba? Paano ninyo ibabalik ang tamis ng dating samahan kung hindi mo siya kayang patawarin?
Maibabalik pa ba ang dating pag-ibig? O hahayaan na lamang si tadhana at panahon ang siyang magsabi?
Mahal mo, pero paano?
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Pa Alam
RomanceMga tanong na walang sagot. Mga sagot na laging may tanong. Random thoughts. Love. Life.