I never loved anybody the way I love you..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ O.o
Kevin.
Natigil ako sa paglalakad.
Sa tabi ng pinto ko naroon ang lalaking tinitibok ng puso ko. Nakaupo siya sa sahig habang nakayuko, nasa kabilang tuhod niya ang isang kamay nito.
I studied him as he continue to stare at the floor, kung titignan mo ito ay para siyang namatayan. Nanikip ang dibdib ko. Namatayan. Namatay na nga ba ang pagmamahal nito sa akin? Umiling ako. Natatakot na naman ako. Hindi ko kayang marinig sa mismong bibig niya nanggaling na nagawa niya akong lokohin.
Unti-unti akong lumapit sakanya. Tila ba narinig niya ang mga yapak ko at nag-angat ng tingin. Pagkakita niya ay nakita ko na kumislap ang mata nito pero may kasama ring sakit. Kung totoong niloko niya ako, hindi ba dapat ako lang ang nasasaktan?
Agad siyang tumayo at sinalubong ako, mahigpit na niyakap niya ako. Hindi ko mapigilan na hindi gantihan ang higpit ng yakap niya. After all, this may be the last.
"O my god! Hon!" binaon nito ang mukha sa leeg ko at lalo pang hinigpitan ang yakap niya. "Please, listen to me." naramdaman ko ang luha nito.Naging hudyat rin ito para mapahagulgol ako. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganoong pwesto, pareho lang kaming umiiyak at magkayakap. Kung mayroon sigurong makakakita sa amin ay iisipin na kami'y baliw. But I don't care, as long as he's with me.
Kahit habang buhay pa na nasa ganito kaming pwesto. Basta nasa tabi ko siya. Naramdaman ko na kumalas na ito sa pagkakayakap, pero hinigpitan ko lang ang yakap sa kanya, binaon ko ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib. "Baby no. hush. Please don't cry." Namamaos na sabi nito sa akin.
"Kevin." humihikbi parin ako. "I'm hurting." he cupped my face at tiningala ito para mapatingin sa kanya.
He wiped my tears with his thumb. "I'm hurting just the same." pagsusumamo niya sa akin. "Listen to my explanation, ok?" Nginitian niya ako. Tumango lang ako at binalik ang yakap sa kanya.
Ilang segundo rin na yakap-yakap ko lang siya, pero ginaya rin ako nito papasok sa unit ko. Nakaupo kami sa sofa at nakapalibot sa isang katahimikan.
He took a deep breath. Hawak niya ang magkabila kong kamay at hinahalik-halikan ito. "That night, the company had a party celebration." pinagmasdan ko ang mukha niya. nakapikit ito at kita ko sa mukha nito na tila ba siya nahihirapan. "Masaya ako, kasi patapos na ang deal ng kumpanya at finalization nalang." Dinala niya ang mga palad ko sa pisngi niya. "Ibig sabihin, one more week at makakabalik na ko ng bansa para makapiling ka."
I gave a bittter smile. Yes, one more week. One more week and we'll be together again. But I can't take it anymore. Miss na miss ko na siya, 2 buwan na kaming di nagkikita kaya naisip ko na sundan nalang siya at sorpresahin.
"Sumama ako sa party na yun." binuksan na niya ang mga mata niya at tinignan ako sa mata. "We went to a private bar and had some drinks. Ang alam ko hindi ako lasing. Konti lang ang nainom ko." yes, Kevin knows how to handle alcohol. Hindi ito basta-basta nagpapakalasing.
"And then..." nakita ko ang isang luhang lumandas mula sa mga mata nito. "The next thing I know, I was on the bed naked, with some woman beside me. And..."
I took a deep breath and sighed. "And that's when I entered the room." I finished the sentenced for him.
Tumango lang ito. "Baby, please believe me." hinaplos niya ang pisngi ko. Umiling ako, "Bakit di mo ko sinundan, bakit di ka nagpaliwanag?!" Tumayo ako at hinawakan ang ulo ko. "Hinayaan mo akong tumalikod at umalis! You just stared at me and... and..."
Tumayo na rin siya at niyakap ako. "Please, baby..." I just can't believe what's happening right now. "Hindi ako nakatayo, that's when I knew that I was drugged. I tried to call you but you weren't answering your phone. I confronted the woman but she said that she just got hired by someone who gave a huge amount of money..."
"Baby, someone wants to break our relationship." Umiling ako. Dapat ko ba siyang paniwalaan?
"Then, why didn't you follow me? Bakit di ka agad umuwi ng bansa para magpaliwanag?!" pilit na kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
He tried to hug me again pero umiwas ako. "My father won't let me. Hinold niya ang passport ko, telling I should finish my job first. Pagtapos agad na akong dumiretso sa'yo." gumagaralgal na rin ang boses nito.
and that's when he knelt in front of me. "Please, believe me. Let's fix this. Don't leave me, Baby, I can't live without you in my life. Please... I love you..." Umiyak na rin ito. I was just looking at him, crying.
Lumuhod narin ako sa harapan niya, magkapantay nalang ang mga mukha namin. I cupped his face and wiped his tears, just like what he did a moment ago.
"I don't know if i can live without you,
I never loved anybody the way I love you."
BINABASA MO ANG
Twisted
RomanceMaybe all one can do is hope to end up with the right regrets. - Arthur Miller