TEASER

1K 10 1
                                    

Nicholas POV
Im packing my things and make sure na wala akong maiiwan.
Napatingin ako sa kwarto kong to. I never imagine na nakatira ako sa palasyo. Dito sa krayton to be exact. Napabuntong hininga ako ng pumasok si mommy.

"Son, kailangan mo pa ba talagang umalis? You dont have to."- malungkot nitong sabi.

Iniwas ko ang aking tingin dahil baka Hindi ko talaga kayanin pero buo na ang desisyon ko.

"Mom, sorry but I will still leave. Para rin saakin to. Hindi ako makakalimot kung andito padin ako. Mom, you know that i like Mia a lot pero I cant risk it ok? Masaya na ako para sa kanila. And sa pag alis kong to, im hoping too, that ill be happy . "- sabi kong nakangiti sa kanya.
Napabuntong hininga siya and she kissed me in my cheek.

Hinatid na niya din ako palabas ng palasyo. She insist na ihatid ako ng mga bodyguards hanggang airport but i refused. Ayaw kong makaagaw pansin. Nakasdisguise nga ako para hindi ako makilala ng mga tao.

Babalik akong Pilipinas. I know kilala na ako saan mang panig ng mundo na isa akong Crowned Prince at soon to be the crowned king. Aalis ako ngayon but i promise that ill be back at tatanggapin ko ang pwestong nakalaan saakin. At pag dumating yung oras na yun, alam kong maayos na ako at masaya na ako. I hope.

Naghihintay ako sa airport nang may nakabangga akong babae.
Nabitawan nito ang bag at ilang pagkaing dala nito.

I cant see her face dahil na din balot na balot siya ng jacket,scarf, bonet at nakashades at mask din.

Napakunot ako sa itsura niya. Ang OA naman nito manamit. Hindi naman ganun kalamig ang klima dito ngayon sa Krayton

"Im sorry. I didnt mean to hurt you Ms."- sabi ko habang inaabot sa kanya yung mga gamit niya. She cant look at me directly at hindi ko din siya mamukhaan. Buti nga at hindi siya tumititig saakin kundi nako, pag nalaman nitong ako si Prince Nicholas ang nabangga niya, ewan ko na lang.

Agad din siyang umalis sa harap ko at dali daling umalis.

Agad din akong pumunta sa departure area para makasakay na.

Hindi din nagtagal ay nakasakay na ako at umupo sa assigned seat ko.

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng eroplano habang nakaheadset nang maramdaman kong may naupo sa tabing seat ko.
Hindi na ako nagabalang tumingin pa at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. .

--
Nagising na lamang ako ng may bahagyang tumapik sa braso ko.

"Sir, we already arrived to the destination of this flight. Welcome to the Philippines"- sabi ng isang flight attendant. Nagpasalamat ako at bumaba na din ako ng eroplano.

Nasa may kuhanan na ako ng mga baggage nang may napansin akong familiar.

Hawak ko na ang bag ko at Hindi ko padin maialis ang tingin ko dun sa isang maleta.
Wala akong dalang maleta. Bag lang ang dala ko tutal dito na lang ako maghahanap ng mga magagamit ko.

Alam ko ang tatak na yun.

Nagulat ako nang may bumangga ulit sakin at kinuha ang maletang tinitingnan ko.

Mabilis na umalis yung babae at napagtanto kong siya yung balot na balot na babaeng nakabangga ko dun sa krayton Airport

Siya ang may ari ng Maleta na yun?

Pero that symbol.
Its the symbol of the Krayton Palace.

True Love's Kiss (TPID sequel) BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon