Nicholas POV
"hijo? Hijo??"
Napatingin ako sa taxi driver na mukhang kanina pa ako tinatawag."Bakit po manong?"- tanong ko sabay ayos ng mabuti ng aking suot na cap at shades.
"Kanina pa kasi tinatanong kung saan ka pupunta? "- tanong nito sakin habang nakatutok ang mata sa kalsada.
"Ah sa pinakamalapit na bus station na lang ho manong. "- sabi ko at tumango na lamang ang driver
Naging matahimik ang byahe ko at hindi ko pa din maialis sa isip ko yung maletang yun.
Im sure hindi ako namalik mata, its our palace' royal symbol.
It isnt normal to see that symbol in anybody. Only us, royalties and the other servants who work in the palace can only hold to that symbol.
I wonder who owns that.
"Hijo andito na tayo. "- banggit sakin ng driver at itinigil ang taxi sa isang bus terminal.
Inabot ko ang bayad at bumaba na ng taxi.
Its a good thing na hindi peak season ngayon kaya hindi masyadong crowded dito ngayon. Hindi ako mahihirapang itago ang mukha ko.
Lumapit na agad ako sa bilihan ng ticket at nagkataong may nakasabay akong dalawang babae. Sa tingin ko ay kaedad ko tong mga to.
Im patiently waiting for my ticket pero tong dalawang to ay nanatiling nakatitig sakin.
Shit, hindi naman siguro ako namumukhaan ng mga to diba?
"Kuya, bakit nakacap at shades ka pa. Tapos naka coat ka pa. Ang init kaya sa pinas. "- sabi nung isang babae
"Ha? Ha ha, a-allergy kasi ako sa araw. "- shet sarap batukan ng sarili ko. Anong klaseng alibi ang nasabi mo nicholas.
"Haha, galing magjoke ni kuya. Kaya siguro ang puti puti mo. Saka parang ang gwapo mo kuya"- hagikhik naman nung isa
Mas lalo kong inayos ang pagkakasuot ko ng cap
I cant lose my disguise here.Sakto ding naiabot na sakin ang ticket ko at hindi na ako nagabalang sagitin pa yung dalawang babae at dumeretso na ako sa bus na sasakyan ko.
Pagkaupo ko sa reserved seat ko ay saka na ako nakahinga ng maluwag.
Wala masyadong pasahero kaya solo ko ang dalawang upuan na to.
Airconditioned din naman to kaya natatakpan ng kurtina ang bintana ng bus kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mahubad ang suot suot kong shades. Tinira ko lang ang cap ko, i cant lower my guards at baka biglang may makakita pa sa mukha ko.
I dont know kung kalat na sa pilipinas ang balitang tungkol sakin. Sana hindi pa.
"Boi, yung ticket mo"- biglang sabi sakin ng condoctor na lumapit sakin at kinuha ang ticket ko.
BINABASA MO ANG
True Love's Kiss (TPID sequel) BOOK 2
ActionNicholas POV Babalik akong Pilipinas. I know kilala na ako saan mang panig ng mundo na isa akong Crowned Prince at soon to be the crowned king. Aalis ako ngayon but i promise that ill be back at tatanggapin ko ang pwestong nakalaan saakin. At pag du...