Chapter 8: Rivals

3K 94 5
                                    





3rd Person POV



Habang nasa clinic sila Aki at Ruby ay binabantayan naman sila ni Sena mula sa malayo. Pinagmamasdan ang babaeng minahal niya noon.



"Mukhang may bago na ang ex mo ah.(^__^)" tinapik ng lalaki ang balikat niya.



Sena: "Kilala mo na ba yung lalaki?" Iniabot niya ang isang folder.



"Siya si Akihiro Furukawa, may mga kamag-anak sila pero hindi naman sila sinusuportahan. May kapatid siyang babae, Murasaki Furukawa naman ang pangalan. Gaya ni Akihiro, dito rin siya nag-aaral kasama ang kapatid ni Ruby na si Luxus. May isa pa pala, nakatira pala sila ngayon sa iisang bahay." Napatingin kaagad si Sena sa lalaki.



Sena: "Anong sabi mo? Nakatira sila sa iisang bahay?" Tumango naman ang lalaki.



Sa isip ni Sena: "Mas mahirap pala to sa inaasahan ko."




Sena: "Kiyoshi." Lumingon naman ang lalaki sa kanya.



Kiyoshi: "Ano?" Tinatamad na sagot nito sa kanya.




Sena: "Ihanda ang mga bata natin, sigurado akong magiging masaya to." Napangiti naman si Kiyoshi.



Kiyoshi: "Matagal na rin simula ng huli tayong makipaglaban, atat na atat na ko." Napa-iling naman si Sena.




Sena: "Baliw ka talaga. Basta sundin mo ang ini-uutos ko sayo." Tska ito naglakad palayo sa kaibigan.



Sa isip ni Sena: "Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo, Akihiro."



Lingid sa kaalaman nila, nakikinig sa kanila si Luxus sa likod ng puno malapit sa kinatatayuan nila.



Sa isip ni Luxus: "Hindi ko hahayaang saktan mo ulit ang kapatid ko. Sapat na ang pagdurusa niya sa loob ng dalawang taon. Magsisisi ka sa pagbalik mo sa buhay niya." At nawala na lamang siya na parang bula.



---------



Nang matapos ang klase ay agad na hinila ni Luxus sila Clause at Saki patungo sa kabilang classroom.



Clause: "A-ano ba?" Takang tanong nito kay Luxus.



Luxus: "Susunduin natin si Ruby at ang kuya mo, ihanda niyo ang sarili niyo dahil mapapalaban tayo." Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Clause.



Clause: "Sila ba ang makakalaban natin?" Tumango lang si Luxus. Papasok na sana sila ng bumukas ang pinto at sila Charlotte, Aki at Ruby ang nasa harapan na nila ngayon.





Luxus: "Sakto ang paglabas niyo, sumunod kayo sakin." Hindi na niya hinintay ang sagot ng tatlo at naglakad na si Luxus patungo sa school ground.



Ruby: "May nangyari ba?" Sakto namang dumating si Edel.




Edel: "Mamaya ko na ipapaliwanag sayo, halika na dali." Walang sabi-sabi ay hinila na lang ni Edel si Ruby patungo sa School Grounds. Sumunod naman sila Aki at Charlotte sa kanila.




Nang makarating sila sa school grounds ay tumambad sa kanila ang grupo na may dalawampung katao na pinapamunuan ni Sena.




Sena: "Kamusta." Nakangising sabi nito. Bigla na lang may lumabas na isang kakaibang spell na pumalibot sa buong school grounds.




Ruby: "Ano bang ginagawa mo dito? Di ba sinabi ko na sayo na umalis ka na?" Galit na tanong nito sa kanya.



Sena: "Gusto ko lang subukan kung hanggang saan ang kaya ng mga kaibigan mo. Kapag natalo sila samin, Magiging akin ka na." Hindi nagustuhan ni Ruby ang sinabi ni Sena.



Inner Flame (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon