Lahat ng bagay may katapusan.
Kahit ayaw mong pigilan pero kung kailangan, wala kang magagawa.
Masakit man isipin na nawala na siya, masakit mang isipin na hindi na maaari pero hindi magsisinungaling ang damdamin mong may nararamdaman ka pa rin sa kanya.Ngayon na ba ang araw para ipabasa ko to sa kanya? Ngayon na ba? Kung kelan masaya na siya?
Huminga akong malalim saka naglakad patungo sa kaniya.'Para sa lalaking kasama kong maligo sa ulan, manuod ng bituin sa kalangitan at maglakad sa gabi sa paligid ng mga alitaptap.'
July 17, 2016
Dear someone,
Nagpaalam na ako kay Gieo, ganun din siya saken, habang nagpapaalam sya di ko alam kung bakit parang malungkot ako kahit sobrang saya ko ngayong araw.
Ah, oo. Ayaw ko na siyang mawala, gusto ko nasa tabi ko na sya, kulang ang oras, minuto at segundo na kasama sya.
Pumatak ang luha habang naglalakad ako, paglingon ko sa likod andun pa sya.
Kumaway ako, kumaway siya.
Mahal ko na yata ang bestfriend ko.
— Raiya.
July 26, 2016
Dear Someone,
Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.
Pakiramdam ko mababaliw ako.
Hindi naman kasi pwede 'to. Ayoko siyang masaktan ng dahil lang sa nararamdaman ko na ito.Kaya iniiwasan ko na sya, doon na ako kina Pat sumasama, ayoko ng sumama sa kanya, baka lalo lang akong mahulog.
Baka lalo lang akong masaktan.
Baka lalo lang kaming masasaktan.
— Raiya.
August 1, 2016
Dear Someone,
Nagkausap kami ni Gieo, nagtatanong siya saken kung anong problema ko at bakit parang iniiwasan ko sya.
Sabi ko naman wala lang.
Malungkot siya.
Nalungkot din ako.
Hindi ko alam pero gusto ko siyang yakapin kanina at sabihin ang...
Sorry.
Sorry kung nahulog ako sayo.
Pero ayoko, natatakot ako.
Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Natatakot talaga ako.
— Raiya.
August 5, 2016
Dear Someone,
May tanong ako, masama bang mahalin ang bestfriend mo kung napapasaya ka talaga niya?
— Raiya
August 7, 2016
Dear Someone,
Dapat kagabi ko pa ito isusulat kaso inaantok talaga ako, at eto ako ngayon naalimpungatan at ang unang-unang nasa isip ko ay si Gieo, yung time na nag jogging kaming dalawa at muntik na siyang makagat ng aso.
Natatawa ako kapag naaalala ko yun.
Masaya na nakakalungkot na ewan yung mga pangyayaring iyon, kasi naman nakaguhit na yun sa history ng buhay ko pero hindi na pwedeng magawa iyon ng walang nararamdamang hindi espesyal sa kanya.
BINABASA MO ANG
OPM Hits Stories
RandomAng mga paborito niyong OPM Hits, mababasa niyo na rin. Pakinggan at basahin sila dito. - Lerryc