Breaksary (Davey Langit)

6 2 0
                                    

"Ayoko na, maghiwalay na tayo"



*alarm clock*

Dumilat ang isang lalaki na nasa 26 taong gulang, nakatitig lang sya sa kisame kung saan maririnig ang tik at tak ng relo sa pader niya.

Makikita ang maliit na frame kung saan nakangiti siya, kasama ang isang babae na kapareha niya, nakangiti din.

"Hoy! Ruru ano ba?! Male-late ka na naman sa trabaho mo niyan!" Atungal sa labas ng kanyang tiyahin na kahit kailan ay hindi naging mabait sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay bumuntong hininga sya at itinaas ang kanyang kanang kamay saka dahan dahang tinanggal ang dumi sa kanyang mata at malamig na laway sa gilid ng kanyang bibig.

Isang taon, bigkas ng bibig niya ngunit walang boses ang maririnig.

Isang taon, muli niyang inulit ang pagbigkas ngunit kagaya ng una wala pa ring boses ang maririnig.

Bumuntong hininga syang muli.

"Late ka na naman, Ru, 'nyare?" tanong sa kanya ni Daisy kung saan kinukuha ang kanyang pulang lipstick na inutang niya pa sa kaibigan niya na halos tatlong buwan ng hindj nababayaran.
Naglagay din ito pagkatapos niyang magsalita.

Hindi siya nagsalita, nilabas niya lang ang jacket sa kanyang bag saka na ito ipinasok ang bag sa kanyang sariling locker.

Saka iniwanan si Daisy na nagsusumigaw ng "Hoy? Hoy? Ruru? Sunget naman nito"

Wala sya sa wisyo alam niya yun. Hindi niya maayos ang pakikipagusap sa kinuha niyang tawag mula sa boss niya.

May mararating kaya ako nito? Sambit ng isip niya.

Ang pakla pala ng buhay ko.

Bumuntong hininga muli siya saka tinanggal ang headset sa kanyang ulo saka tumayo.

Tumungo sa mini canteen saka kumuha ng maliit na baso.

"Hey!"

Tumibok ang puso niya ng mabilis. Alam niya ang boses na yun. Alam niya kung kanino yun galing. Alam niya kung bakit mabilis ang tibok ng puso niya at alam niya kung bakit siya natigilan bigla.

Isang taon.

"Uy Ruru, kumusta? Dito ka pala nagtatrabaho?"

Lilingon? O hindi lilingon? Di ko alam. Nagsimula ng maglakad ang tao sa likod niya.

Isang taon.

"Uy Ruru?" Hinawakan siya sa balikat nito, lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

Lumingon siya, wala na siyang choice at sa paglingon niya dun na naman nasira ang mga bloke ng sarili niya na pilit niyang magisang binuo.

Bakit ngayon ka pa ulit nagpakita? Utas na naman ng isip niya

Isang taon.

"Kumusta?" Ngumiti ito sa kanya at dun lalo nagkapira-piraso ang bloke na kakabagsak lang kanina

"Ayos lang" ilang beses na niya yatang inulit ulit yan na sabihin sa iba, sa sarili niya at ngayon sinambit niya ito sa kanya

Ngumiti ito ulit. Lalong nadurog ang mga bloke.

"Dito ka pala nagtatrabaho? Kumusta naman sahod dito?"

"Ayos lang" ayan na naman sya sa mga salitang yan, paano ba aayos talaga ang mga salitang ayos lang?

Napa ah ang kausap niya, saka ngumiti muli sa kanya.
Ah! Gaano niya namiss ang mga ngiting iyon.
Ang mga ngiti na halos bumubuo ng araw niya noon ay ang halos papatay na sa kanya ngayon.
Lumunok siya ng mumunting laway sa kanyang lalamunan at sa kasamaang palad ay hindi ito dumiretso sa dapat nitong kahantungan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPM Hits StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon