I'm Xyla Dreen, 21. Nakidnap ako nung 11 palang ako, And yes 10 years na kong nakidnap, 10 years ko na 'di kasama ang pamilya ko.
Pero nagpapasalamat ako nung nakidnap ako 'di 'gaya ng iba ay binenta ang organs, nirape, binenta. Ako inalagaan ako kaya kahit papaano ay nagpapasalamat ako.
Pero 'di mawawala ang pananakit sakin, Minsan na nila ko binuhusan ng malamig na tubig na may yelo habang natutulog ako, Minaan na nila ko pinalo pero 'di lang basta palo, Ginawa nila akong utusan, Ginawa nila akong punching bag.
Masaya sila sa tuwing ginagawa nila 'yon.
"Xyla, Dalian mo ang paghuhugas dyan, Dadating si Kristone maghanda ka sabi ni Boss" saad ng boses ni Robert sa likod ko habang naghugugas ako ng pinggan.
Hinarap ko sya saka nakangiti na tumango.
Hayst, It's been a while, Matagal tagal ko na ding 'di nakikita si Kristone. Anak sya ng taong nagkidnap sakin.Si Kristone din ang dahilan kung ba't ligtas at nabubuhay padin ako.
Nang matapos ako maghugas dali-dali ako na naghanda ng mailuluto, Nagluto ako ng 'adobong sitaw' yun nalang kasi ang pwedeng lutuin ngayon, Wala ng stock.
Hindi naman 'to ganon kahirap kaya natapos ko agad, Agad ako na lumabas ng kusina at pumunta sa kwarto ko.
Tahimik ang bahay, Panigurado na nasa labas sila nambabaril ng mga ibon, 'Di ko na alam mukhang ang pagpatay ang kinakaligaya ng mga tao na'to.
Pagpasok ko ng kwarto ko agad ako na pumunta ng banyo, Hindi kasing ganda ng kwarto ng mga katulong dito ang kwarto ko.
Naka-poom lang ako, Pinatungan ng makapal na kumot isang elictric fan, kabinet at maayos na CR. Sapat na yun para mabuhay ako.
Agad ako na naligo, Hindi 'gaya ng ibang babae, Mabilis lang ako maligo, 'Di ko alam kung ano bang ginagawa ng mga ibang babae sa CR at kung bakit ang tagal nila maligo.
Nang matapos ako isang hanggang tuhod na shorts at tshirt na kulay black ang sinuot ko, Nagsuklay ako saka handang lumabas ng kwarto.
Pumunta muli ako ng kusina, Nagsandok ako ng kanin at sunod ang ulam na niluto ko, Kumuha nadin ako ng sapat na plato para samin.
Lumabas ako ng kusina para pumunta sa likod ng bahay, Ando'n sila panigurado. Tumakbo ako papunta ng labas ng bahay at tama ako narito sila.
"Kain na po kayo!" sigaw ko sa kanila, Agad nila akong nilingon "Sige Xyla pupunta kami dun, Buksan mo ang gate dalian mo andito na si Kris" utos sakin ni Tatay Robert.
Sya ang boss dito, Pinuno dito. Nginitian ko muna sila saka masiglang pumunta ng gate para buksan ang pinto.
Ano na kaya itsura ni Kris ngayon? Gwapo kaya sya? Matangkad ba sya? Makinis ba sya?
Ang laki kasi ng gate dito eh tas wala pa yung guard dito.
Tumingkayad pa ko para mabuksan ang gate. Ang bigat pa. Nang maunlock ko ang gate agad ko na itong binuksan, Syempre gumilid ako.
Pumasok naman ang isang simpleng kotse pero huminto sila sa harapan ko, Bumukas ang pinto sa passenger seat ng kotse, Lumabas ang isang lalaki at agad ako na sinakal.
"Tatakas ka pa ah" saad ng lalaki at mas diniinan ang pagkakasakal sakin, Bubuksan ko ang gate, 'Di tatakas. Kahit anong gawin ko 'di ako makakatakas dito, Bobo.
"Bi-bi-bitawan mo ko" pilit na sigaw ko kahit na hirap na kong humunga dahil sa pagkakasakal nya. "Nagsasalita ka pa, Gunggong" sigaw nya saka ako sinampal at tinulak kaya napahiga ako, 'Di pa do'n iyon natatapos agad sya na lumapit sakin at hinablot ang buhok ko.
"'Di ka na makakatakas dito" sigaw nya saka ako muling sinampal hablot nya pa din ang buhok ko. "Hindi ako tatakas, Please inutusan lang ako ni Tatay Robert" naluluha na saad ko.
Napakasakit ng sampal nya lalo pa't hablot nya ang buhok ko. Ito na ba si Kris? Halimaw na sya ngayon.
"'Wag na 'wag mo gagamitin ang tatay ko ah!" sigaw nya saka muli akong sinampal, Ngunit mas malakas na kesa sa inaasahan.
Kaya napahiga na ako. Ramdam ko ang pagtayo nya, Ramdam ko na ang paa nya sa ibabaw ng katawan ko.
"Kristone!" sigaw ng boses lalaki na nasisigurado ko na si Tatay Robert, Dinig ko ang bawat yapak ng sapatos nya palapit samin.
"Kristone ano ka ba ha? Sya si Xyla, Sya yung babae na pinrotektahan mo dati, Ano ka ba?" sigaw ni Tatay Robert. "Dad, Tatakas eh" sagot nya sa ama nya.
"Bobo, Inutusan ko sya. Isa pa hinding hindi makakatakas yan, Isa kang tanga, 'Yan na ba ang natutunan mo sa ibang bansa?" sigaw muli ni Tatay Robert. "Kayo, Buhatin nyo si Xyla ipaayos sa maid, At ikaw Kris sumunod ka sakin" utos ni Tatay Robert.
Yun lang at mga yapak na ang huli kong narinig dahil pagkatapos nun ay ang pagdilim ng paningin ko.
to be continue.....
YOU ARE READING
I GOT KIDNAPPED (ON-GOING)
RomanceKaya mo bang magmahal ng taong hindi ka naman mahal? THIS IS FROM AUTHOR'S OWN IMAGINATION