Untitled part

4 1 0
                                    


Copyright2018.Love in between Times.@cherryblossomness



 Copyright2018.Love in between Times.@cherryblossomness




 Synopsis: 



 Ang nakaraan ay bahagi na ng buhay ng tao... Masama o mabuti man ang ating mga naging nakaaraan, nakaukit na ito sa isang parte ng ating puso at hindi na ito madaling kalimutan at burahin.. 



Inaalala natin ang masasayang gunita ng kahapon at pilit na winawaglit sa isipan ang mapapait na karanasan.. Dala-dala natin ang mga ala-alang ito habang pilit tayong nabubuhay sa kasalukuyan... 



 Lumalaban tayo sa kasalukuyan at ginagawang motibasyon ang nakaraan para sa ating kinabukasan..



 Tatakasan ang nakaraan, haharapin ang kasalukuyan at paghahandaan ang bukas..



 Ganyan mabuhay ang tao.. Paulit-ulit nalang.. Nakakasawa na...




Prologue: 



 Siya si Yasmin Jacinto, isang simpleng babae.. 


 Simpleng estudyante, simpleng anak, at simpleng kaibigan..


 Pinilit na maging masaya sa kabila ng mapait na karanasan... Pinuno niya ang sarili ng mga pangarap at ambisyon at pilit na kinalimutan ang nakalipas. Nabubuhay siya para sa kaniyang kinabukasan... 


 Pero pa'no kung ang kaniyang simpleng buhay ay guluhin ng oras at panahon?


 Pa'no niya malilimutan ang nakaraan kung patuloy siyang bumabalik-balik dito? 


 Pa'no pa niya mapaghahandaan ang kinabukasan kung nakita na niya ito? 


 At pa'no ang kasalukuyan??


 Kaya pa ba niyang mabuhay ng simple kung bumalik siya sa panahong pilit niyang kinakalimutan at makasama muli ang lalaking dati niyang minahal.. 


 Pano kung mahalin rin siya ng lalaking kaniyang pinapangarap at naging laman ng kaniyang ambisyon? 


 Mapapansin pa ba niya ang kasalukuyan? 


Makikita pa ba niya ang mga taong naging na bahagi nito? 


 Sa'ng panahon ba siya dapat lumugar?


 Saang panahon ba siya mas sasaya? Sa nakaraan, kasalukuyan o kinabukasan...






***************************************************






Waaaaaaaaah! Kamusta naman prologue ko? Mema pa rin ba? Haysus di na kayo nasanay hehe..


Nga pala, need ko po ng mag-eedit ng cover ko.. Pwede ka ba?? Message mo lang ako..

*muah*muah*-cherryblossomnes

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in between TimesWhere stories live. Discover now