Chapter 2

9 0 0
                                    

"Oh bakit ka nakasimangot? Hindi ka ba masaya sa grade natin sa report? Akalain mo naka 94 tayo! Hah! Nataasan natin sina Avary!" sabi ni Serenity habang kumakain ng lunch nya.

"Hindi naman kasi yun eh!" nakasimangot kong sagot.

Alam niyo ba yung feeling na akala nyo ok na kayo kahapon tapos ngayon makikita mo sya na may katawanan na iba? at yun pang katawanan niya ay yung kinaiinisan ko sa school na 'to! Oo nga at hindi ako girlfriend peri sabi nga nila "Ang SELOS ay hindi lang para sa may KARAPATAN, pati na rin sa may NARARAMDAMAN" at ako yung may nararamdaman! -______-

"Ahhhhh. Hindi ko na itatanong, alam ko na kung sino eh" panunukso niya at kumain na ulit.

Napabuntong hininga nalang ako. Ewan ko ba sakin kung bakit sya ang gusto ko!

Natapos na ang mga klase namin ng hindi ko namamalayan.

Nakatungo lang ako habang naglalakad papunta sa subdivision namin. Mas nakakagaan kasi ng pakiramdam pag naglalakad, mas nakakapagisip ka ng mabuti.

Sino ba ako para magreklamo kung may kasama syang iba? Sino ba naman ako para makialam sa 'relasyon' nila ni Avary? Oo relasyon, kasi sobrang close nila. Hindi ko nga alam kung 'sila na' eh. Pero please naman po, minsan lang ako magmahal ng ganito. Sana may pag asa pa ako sakanya. sa isip ko.

"Huy!" at may biglang humila sa buhok ko.

"Ano ba?" sabi ko dun sa kung-sino-man-yun.

"Woah. Chill lang miss! Hahah. High blood mo naman!" sabi nya with matching hand gestures pa.

Tristan Kier Dirwin, ang super-annoying-slash-kapitbahay ko. -_-

Dun sa right side ng bahay namin, tapos dun naman sa left side may bago atang lilipat? May nakita akong truck kanina eh. Yes! Bagong kapitbahay! Sana mabait. hahah.

"Bakit ka nandito?" iritado kong tanong sakanya.

"Sinundan lang kita" Chill na sabi nya.

"Tss. Dyan ka na nga!" narinig ko pang tinatawag nya ako pero di ko nalang pinansin at tumakbo na ako ng tumakbo hanggang sa makauwi ako samin.

"Oh? Hingal na hingal ka ata?" tanong ni mama pag pasok ko sa bahay.

"Tumakbo lang po. Hehe. Sige ma, sa taas lang po ako" sabi ko habang papanhik sa hagdan.

Tumango lang si mama.

Makapag-FB nga muna, wala naman akong assignments.

Wow. Kung seswertehin ka nga naman talaga oh! Ang ganda ng bungad sakin ng facebook!

"Garix Seth Moris ---- is feeling great with Avary Ross"

Mag ooffline na sana ako ng may biglang nagpop-out na no.1 sa messages.

· Garix Seth Moris

    Hi Ginger! Pwede mag tanong? :)

Nagtatanong na sya diba? Ok taray mode! i mean selos mode. :P

· Ginger Sapphira Hart

      Sure.

· Garix Seth Moris

      anong gusto mong regalo?

Parang nag blank yung utak ko sa nabasa ko.

Eto na ba yun Lord? Eto na ba ying matagal ko nang hinihiling sainyo? Liligawan nya na ba ako?

Nanginginig yung kamay ko habang nagta-type.

· Ginger Sapphira Hart

     Pwede na yung flowers and teddy bear. :)

Sasabog na ata lahat ng organs ko! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung kikiligin ba ako or what! ;)

· Garix Seth Moris

    Thanks sa pagsagot Ginger! Bye! Ingat.

Magrereply pa sana ako pero nakita kong naglog out na sya.

Uhhhhhhh. Tatanong ko pa naman kung bakit.

Bukas na nga nalang. :3

THE NEXT DAY

*Yawn*

Another Day for me! 

Ugh! Math ang unang subject namin! Badtrip -_-

Nakakatamad pumasok! Hay.

*Beep*

Facebook Notification

· Garix Seth Moris liked your photo.

Seth...

Seth...

Seth....

OMG! May tatanong nga pala ako kay Seth ngayon!

Dali dali akong nagayos at pumuntang school.

Ng nasa classroom na ako, may napansin ako na kung anong bagay sa desk.

Roses and a Teddy Bear.

Sa desk.

ni Avary.

Could it be?!

Greetings to Juliets (readers) out there!

Alright. I know that i'm not updating lately. It's just because that i'm busy with my school works and I end up sleeping 'EARLY' because i don't want to be late in school.

In short, I DON'T HAVE ENOUGH TIME.

Bear with this update. Bear with me Juliets.

XOXO,

Author J.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi There, My Romeo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon