Reklamo sa buhay.
'Yan. Marami ako niyan. What ifs, what could have beens. Nakakaasar lang kasi kung ano yung gusto mo, yun yung ayaw ibigay sayo, ayaw iparamdam sayo, ayaw ipakita sayo.
Lahat tayo, nararanasan 'yan. Everything happens for a reason daw. Kaso magkakandabaliw baliw kana, hindi mo parin nalalaman yung rason.
Minsan matalino ka, pero madalas, tanga ka. Bakit? Kasi, alam mo ng hindi mo makukuha, pinagpipilitan mo parin, ginugusto mo parin.
Ano nga bang magagawa mo? It's in our nature. Hindi ka tao kung hindi ka ganyan. Aminin mo, 'wag kang in denial.
Yung problema mo? Madalas, mababaw lang yan. Pero para sayo? Ang bigat bigat, ang sakit sakit, ang hirap hirap. Minsan pa nga, pakiramdam mo tinatalikuran ka ng mundong ginagalawan mo. Truth be told.
O ano? Narerealize mo na 'no? Maraming tao sa mundo na walang makain, walang maayos na tirahan, hindi nakakapag aral, walang magagandang damit at gadgets na tulad ng sayo pero bakit pakiramdam mo malaki na yung problema mo? Bakit pakiramdam mo, pasan mo yung mundo? Bakit pakiramdam mo ikaw lang yung nasasaktan, nahihirapan? Bakit mas marunong pa silang ngumiti kesa sayo? Bakit mas marunong pa silang maka-appreciate kesa sayo?
Ngayon tanungin mo yung sarili mo. Mabigat nga ba yung problema mo? Pansinin mo yung paligid mo. And then you realized..
Wag ka namang maging makasarili. Hindi lang ikaw ang may problema.
Live life as if you're gonna die tomorrow.