PROLOGUE
High school pa lang kami mahal ko na siya. Ewan ko ba.
Ito na yata talaga yung tinatawag nilang 'true love'.
Niligawan ko siya dati kahit ako yung babae sa aming dalawa.
Unfortunately, basted ako!
Yurak talaga ang pride ko. Lalo na ang PUSO ko!
Ayoko na masaktan uli kaya sabi ko sa sarili ko, "Apolinaria, tama na! Tigilan mo na ang pagiging masokista mo!"
Ang sagot naman ng konsensya ko, "WEH? Totoo na ba 'yan?"
Alam kong mahirap ang makalimot pero kailangan.
Kaso isang araw, kumatok siya sa pinto ng puso ko. Echos!
Pinto lang po talaga ng bahay namin ang kinatok niya.
Hindi ko na sana siya papapasukin sa puso ko este pinto nga ng bahay namin nang matuklasan kong...
"Where am I? Do you know me? I c-can't remember anything!" nalilitong tanong niya sa akin.
Ano raw? Paano siya napadpad sa amin?
"Answer me!" hysterical niyang tanong uli sa akin.
Ano bang sasabihin ko sa kanya? Ito na ba ang sagot sa mga pangarap ko dati?
"A-ano...ako ang a-asawa mo!" nabubulol na sabi ko.
"Asawa kita?"
BINABASA MO ANG
Asawa Kita?
RomanceAno ang maaari mong magawa kapag nalaman mong may amnesia pala ang taong mahal mo? Gagayahin mo ba si Apolinaria?