JeJe Court

36 0 0
                                    

"Sipain niyo yan!" "Sige pa! Buti nga sa kanya yan!" Sigawan ng mga lalaki rito, oh well, baka may binubully nanaman sila. Sanay na kami diyan. Ako nga pala si Jesi Zamora. Freshmen Highschool this year. First day na first day eh may binubully na agad sila. Ewan ko ba sa mga ito kung bakit naging hobby nila yun. Iniwasan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa next class ko, "Jesi, please.. Sagutin mo na ako.. Nagmamakaawa ako sayo." Eto nanaman lalaking ito. Sabing ayoko nga magka-boyfriend eh! Well, maganda ako. Oo totoo yun, kaya nga lower years pati colleges nagkakagusto sakin. May kakaiba kasi akong aura, pero hindi ko alam yun sila lang nakakakita. Sa ganda kong ito, wala pa kong nagiging Boyfriend. Oh well, pagka-graduate ko na noh. I just stare at him, cold. "Pwede ba, Jerome? Ayoko nga sabi magka-boyfriend! Layuan mo na ko, please." Ang kulit naman niya kase! Simula Pre-school life eh ganyan na siya! He always follow me, even in states. Dakilang manliligaw na hindi ko naman pinahintulutan. Nakakairita kaya! Umalis na lang siyang nakayuko, umiiyak siya. Anuba! Memorize ko na yan! Bukas nanaman susundan nanaman niya ko at kukulitin tapos babastedin ko ulit siya tapos iiyak, cycle lang yan siya. Ilang beses ko na kaya siya binasted! Nakakainis.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, napahawak ako sa strap ng bag ko nang makita ko si Jeny. Omayghash. Kelan pa siya natututong makipaghalikan? Grabe, ibang klase ang best friend ko. Oh well, Jeny Luzares. Ang dakila kong best friend. Chick Girl siya, Play Girl in other word. Well, kahit ganyan siya eh best friend ko pa rin siya, ni minsan hindi pa siya nagseryoso. Play Girl nga! Ewan basta, nagkaroon na kasi yan ng first love, break up sila, umiyak siya, nasaktan, naging bitter at ayan naging Play Girl. Haish. May rule kami sa aming friendship, yun ay yung Freedom sa Private life namin. Yun nga ang pinili niya ang pagiging Play Girl. Alam ko naguguluhan kayo, basta ito nalang tandaan niyo, Jeny Luzares.. Play Girl. Hindi ko na lang siya inistorbo dun, alam kong isa nanaman yun sa mga gimik niya, mamayang lunch na lang kami magsasabay.

Nakarating na ko sa next class ko, wala namang teacher. Kanina ko pa pansin na medyo late na ko. Pero dahil ang swerte ko ngayong araw, absent yung teacher ko, first day na first day. Makapag-earphones na nga lang. After one song, may biglang dumating sa room. Binagsak niya pa yung pinto. Omaygash. Ang dami niyang sugat.. Baliko na rin ang salamin niyang suot. Sa gulat ko, dahil papalapit siya sakin, nahulog yung earphones sa tenga ko. Kala ko kung ano nang gagawin niya sakin, yun pala uupo lang siya sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin. Grabe, ito siguro yung nabully kanina. Kawawa naman. Bigla naman siyang napatingin sakin, napansin sigurong kanina pa ko nakatingin sa kanya, "Wa-wala! Hindi ako nakatingin!" Iniwas ko na yung tingin ko sa kanya at muling tumingin sa harap sa board? Ngumiti naman siya, oo ramdam ko. Anong problema niya? Tsss. Makapag-earphone na nga lang ulit! Sinuot ko na ulit yung earphone ko nang mapansin kong, isa na lang yung nakanta. Putakte. Kinuha niya yung isa! "Ano bang --"

Hindi ko na natuloy yung pagsasalita ko kasi nakasandal siya sa upuan niya, relax na relax. Parang hindi nabugbog ah? Na nakapikit. Tulog siguro? Hinayaan ko na lang siya, pampaginhawa mula sa pagkabugbog man lang niya. First time kong magkaroon ng kahati sa earphone, guess what? Pati kapatid kong lalaki, ayaw na ayaw kong hinihiram earphone ko. Tapos kapag naka-earphone naman ako, inaagaw nung kapatid ko yung isa, hindi ko naman hinahayaan yun noh. Pero ngayon, iba. Hinayaan ko lang siya. Ewan ko. Bahala na nga. Minsan lang hindi magdamot. Tsss. Maya-maya pa, nag-bell na, tapos na yung klase ko ngayon, lunch na. Nagising yung katabi ko, "Salamat ah?" Sabay tayo. Ano yun? Parang wala lang at nabugbog siya. Tss. Pake ko ba? Tumayo na ko at dumiretso sa canteen. Alam kong andun na sa reserved table namin si Jeny.

Naglakad na ko paalis at sinuot yung backpack ko. Papunta na ko sa canteen ng makita ko nanaman yung guy kanina, tsss. Hindi ba napapagod yung katawan niya sa kakabully sa kanya? Nahihibang na ba siya? Pumunta ako dun sa pwesto nila kung saan binubugbog siya, "Hoy! Tigilan niyo na nga yan!" Hinatak ko yung Guy. Let's name him, Earphone. "Aba... Ms. Zamora. First time toh ah? Isang lalaki hinatak mo?" Oo alam kong first time, kawawa naman kasi si Earphone, ang lamya na ng katawan. It's not that I'm concerned noh! Napansin ko naman tong si Earphone ngumingisi. "Anong tinatawa-tawa mo dyan? Tsss. Pumunta ka ng clinic! Freako." Paalis na kami dun sa bilog na yun, bilog? Nakabilog kase yung mga Bullies eh. "Umalis na kayo." Nang may marinig akong biglang nagsalita, pamilyar toh ah. Nilingon ko kung sino yung nagsasalita, "JEROME?!" 

JeJe CourtWhere stories live. Discover now