Seven years old ako nang makilala ko si Eunice—maganda, maputi, payat, mahaba ang buhok na laging naka-headband, at may ngiting kaya rin akong pangitiin. Seven years old din ako nang magkahiwalay kami, at ngayong seventeen na ako—muli ko siyang nakita.
Malinaw ko pang naaalala ang halos lahat tungkol sa kwento ng first love ko noong 7 years old ako, at ngayong seventeen na ako, handa na akong balikan ang alaala kong iyon.
“Grade 1 na ang baby Jerome ko” sabi ni mama habang binibihasan niya ako. Hindi ko alam kung sino sa amin ni papa ang kinakausap niya. Si papa naman ay naghahanda ng lunch box ko. “Anak, oh! Dalawang cheese cake at isang Chuckie para sa recess mo mamaya, at ang ulam mo sa lunch—tapa” ang sabi ni papa. Inihatid na ako nina papa at mama sa school, at nagpaiwan si mama para ako’y bantayan, habang si papa naman ay tumuloy na sa office niya.
Bago ako iwan ni mama sa classroom namin ay binigkas niya na ang ararw-araw na paulit-ulit niyang ibinibilin sa akin: “Anak, study hard. Nasa Parent’s Hall lang si mama. Kung kailangan mo ako, magpasama ka kay teacher, ha. H’wag kang aalis ng classroom mag-isa. Hintayin mo ako sa loob dahil pupuntahan kita kapag break time niyo na. Makinig kay Ms. Carmen—”
“—make friends, not enemies” ang pagputol ko kay mama. Ito kasi ang last line niya lagi. Ay hindi pala, kapag sinabi ko na ang magic reply na “OK” agad niyang sasabihin ang “That’s my boy!” Syempre, inunahan ko rin si mama na sabihin ang “That’s my boy!” with matching kindat at thumbs up. Tumawa lang si mama nang unahan ko siya sa mga linya niya, at nag-kiss na kami sa isa’t-isa bilang goodbye.
“Jerome, from now on, dito ka na uupo, ha. Dito sa tabi ni Madeline” ang sabi ni Ms. Carmen, adviser namin. Umupo na ako sa upuan na ibinigay ni Ms. Carmen. Sa kabilang side ako dati nakaupo, at hindi ko alam kung bakit ako inilipat ni Ms. Carmen. Mami-miss ko tuloy ang friend ko na si Troy. Si Madeline, siya ngayon ang bagong seatemate ko. Chubby, at singkit siya. May babaeng lumingon—ang classmate ko na nakaupo sa harapan ko. Ang ganda niya, para syang angel. “Uuuyyy, may crush kay Eunice!” ang biro ng classmate kong si Madeline. Walangyang mataba ‘to, hindi pa nga kami magkakilala, inaaway na ako agad. Napatitig lang naman ako sa classmate kong maganda, eh—crush na agad? Naalala ko ang bilin ni mama na make-friends-not-enemies, kaya nagtimpi na lang ako at napakagat labi sa galit ko sa matabang seatmate ko. Isusumbong ko siya kay mama mamaya.
9:00 am na sa wall clock! Yehey, recess na! Lumabas na ang mga classmate ko. Ang matabang si Madeline ay lumabas na rin dahil nandyan na ang mama niya. Si Troy din, sinundo na ng yaya niya. Ako na lang ang naiwan sa classroom—at tsaka nga pala si classmate na maganda. Hindi ko alam ang name niya. Nakalimutan ko kung ano ang name na binanggit ni Madeline kanina.
Ayan na si mama, dala niya na ang lunch box ko. Nag-kiss ako sa kanya pagkadating niya. “Sorry to keep you waiting, baby ko! Tumawag kasi ako saglit kay papa”. Muli na namang tumunog ang cell phone niya. “Wait lang, baby, ha! Sagutin ko muna si papa, eto lunch box mo, hawakan mo muna.” Lumabas na si mama. Kami na lang ni classmate na maganda ang naiwan.
“Hi!” Binati ko si classmate na maganda. Ngumiti siya—at ang ngiting iyon—iyon ang dahilan para makaramdam ako ng admiration for the first time. “Wala pa parents mo?” tanong ko. Nag-shake lang siya ng head sa akin. Binuksan ko ang lunch box ko, at nakita ko ang dalawang cheese cake na prinipare ni papa kanina. Naalala ko uli ang make-friends-not-enemies ni mama, kaya nag-decide ako na makipagkaibigan kay classmate na maganda. “My name is Jerome, may isa pa akong cheese cake dito—sa’yo na lang!” Ngumiti uli si classmate na maganda and for the first time, narinig ko siyang magsalita ng “thank you.” Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, basta masaya ako. Ibinigay ko kay classmate ang cheese cake.
BINABASA MO ANG
My Name is Jerome (short story)
RomanceSeven years old si Jerome--maliksi, bibo, makulit, masigla, at higit sa lahat--in love. © 2012 http://princeofbanat.tumblr.com/