Chapter 2

2 0 0
                                    




Natapos ang sunday service, grabe sobrang na blessed ako sa message ni pastor.

After ng service ay nagkaroon ng short meeting ang lahat. Inannounce ni pastor na mayroon kaming Family Day sa next sunday. Parang christmas party ng lahat. Natuwa ang lahat sa event na mangyayari. Pinagplaplanuhan na ng lahat ang event.

Sa Musicians corner nakita ko si John nag babass guitar. Bass guitarist siya sa church na ito.

Nakatitig lang ako sakaniya ng biglang lumingon siya saakin at ngumiti.

Nabigla ako at umiwas ng tingin. Shocks ang awkward nun!!!

"Tara na anak kakain pa tayo sa Mcdo" Aya ni papa

"Yes! Mcdo! Mcdo! Mcdooooo!" masayang sabe ng aking bunsong kapatid na si Grace

Palabas na kami ng hall at nag isang sulyap pa ako kay John. Pero busy siyang nag babass.

---

Nasa mcdo kaming lima kumakain.

"Ma sasama tayo next sunday?" Tanong ko kay mama

"Oo namn family day yun eh."

"Sabi ni Bro. David may pool daw doon at overnight tayo doon" sabi ni papa

"OOH? Doon tayo matutulog pa?" Sabay na sabe ng dalawa kong kapatid

"Oo pero depende ah, baka may pupuntahan ako nun" sabe ni papa

Biglang napangiwi si mama

"San ka pupunta?" tanong ni mama

"Don na sa bahay pagusapan" sabe ni papa at kumain

Hindi na umimik si mama at kumain na rin.

Lagi na lang silang ganyan, hindi naman sila ganun dati. Hays bahala na si Lord.

-----

Alas sais ng gabi kami nakauwi dahil nag mall pa kami nun. Naka kuha pa nga ako ng teddy bear sa arcade doon. ang saya lang haha.

Pag dating sa bahay diretsong umakyat sila mama at papa.

May mga naririnig nanaman akong mga boses nilang nagagalit sa isat isa.

Nag saing nalang ako para sa hapunan at nanood ng TV sila mico at grace.

-----

Natapos ang kainan ng hindi sumabay saamin si mama. nasa kwarto lang si mama buong gabi. Nakakapang hina pag si mama yung ganito. Hindi namin alam kung bakit sila nag aaway.

Si papa at si mama ay sila na noon pa, mga kabataan palang nila sobrang inlove si papa kay mama. Yung tipong ang dami daming nag hahabol kay papa dati pero si mama parin yung apple og the eye niya. Tapos pareho silang musician sa Church dati, lumaki sila sa church hanggang sa nagpakasal sila at nag kapamilya din sila at kami yun. Sobrang nakakainspire ang story nila mama at papa para saakin. kaya nghihina ako pag nag aaway sila.

"Anak hugasan mo na yung mga pinggan at patayin ang mga ilaw at isa ang pinto ah wag kalimutan." bilin ni papa bago umakyat

"Opo pa" sabe ko at nag ligpit na ng mesa

Habang nagliligpit nagpatugtog ako ng favorite song ko na Deeply In Love. Sobrang ganda ng kantang ito. (Search niyo sa youtube)

Habang tinatapos ang lahat ng bilin ni papa may nag message saakin.

*John: Hi*

Napatigil ako sa aking ginagawa at agad agad nireplyan si John.

*Hi din po*

Para akong timang na kinikilig sa sala.

Agad agad na nag message si crushy

*John: Pupunta ka next sunday? :)*

*Oo naman ikaw po?*

*John: Ay nice. Oo pupunta ako. :)*

*Ay ganun, see you then kuya :)* Arte kuya haha

*John: hehe wag mo na akong tawaging kuya at mag po pinapatanda mo naman ako*

*Ay sorry hehe*

*John: Good, Matutulog nako ah, matulog kana din :)*

HALALALALA! Kinikilg na po ako!

*Sigee Goodnight :)"

*Goodnight*

WHAAAT!! JUST!! HAPPENED??!! WAAAAH!! SOBRA NA ITO LORD!! SOBRA NA AKONG KINIKILIG KAY CRUSHY!!

Agad agad akong nag status sa Facebook ng

"I would do anything in the name of Love <3"

Pahinga na ako sa kama at iooff ko na phone ko ng mag notification ang Facebook.

*John Garcia Liked your status*

KYAAAAH!! PATULUGIN MO NAMAN AKOOO!!!

natapos ang gabi kong kakatitig sa pangalan ni john sa facebook.

"Kelan kaya kita magiging close sa personal? Kelan kaya magiging apilyedo ko yung apilyedo mo. Kyaaaah!" bulong ko sa sarili ko

"SHHH! Ica wag maingay!" suway ng kapatid ko. Grabe walang galang talaga tong mga to pero sanay na akong Ica lang tawag sakin walang ate, sila kasi mas matanda sakin eh haha.

Okay kelangn ko ng matulog. Baka sakaling bukas mag message siya saaakin diba. hihihi excited nako sa mgyayari bukas.

Pagkatapos kong mag dasal ay natulog na ako.

------

"Remember me in wonderland, remember me....."

ito ang mga salitang lagi kong naririnig sa mga panaginip ko bago ako gumising.

parang pamilyar yung boses pero ang labo hindi ko ma kita ang mukha.

ilang gabi ko ng naririnig ang mga salitang ito na para bang namamaalam yung nag sasabe nito saakin.

-----

Vote! Vote! Vote! Ayos lang ba? hehe sana magustuhan ninyo mga mamshies! Love lots!

-ayer

Remember Me In Wonderland Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon