Remember

11 0 0
                                    

[ O N E S H O T # 1 ]
[ F I N I S H E D ]
[ Q U E E N • A ]

She was as beautiful as a rainbow, as beautiful as the sky,
as beautiful as the city lights,
but she was also as dark as the night and as fierce as fire.

If you find someone like her,
don't let her go,
it's not her lost,
it will be yours.

Mali ba talagang inisip ko na hindi niya ako minahal?

Na mas inuna ko ang takot kong maiwanan ulit?

Na mas pinadaig ko ang kabaliwang alam kong dahilan kung bakit kami ngayo'y nasasaktan?

Lahat tayo may kaniya-kaniyang takot, ang mali ko lang ay pinanindigan ko ang takot na ito kaysa sa pagmamahal ko sa kaniya.

"Hanggang ngayon naaalala ko pa ang una naming pagkikita.

Bata pa kami noon.

Nasa may perya kami ng kapatid kong lalaki.

Wala kaming ibang kasama maliban sa aming kasambahay at ang aming dalagang tiyahin na noon ay nasa High School na at kamiy nasa elementarya pa lang.

Naaalala ko pa kung paano kami nagsaya ng kapatid ko.

Naaalala ko pa kung paano at kung saan kami unang nagtagpo.

Nagkatabi kami doon sa may upuan. Umalis ang Tiya ko para bumili ng makakain namin kaya nawala ako.

Muntikan na akong umiyak noon pero mas nauna siyang umiyak kaya napatingin ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin tapos nag-inarte pa siya non. Tinanong ko siya kung anong problema pero ayaw niya akong sagutin.

Pero agad ko ring nakuha ang pansin niya nang makitang hawak hawak ko ang laruang napanalunan ko sa isa sa mga palaro doon.

Napansin ko ang kagustuhan niya sa laruan kaya ibinigay ko iyon sa kanya.

Pagkatapos non nakita rin siya ng tatay niya at tinawag ako ng tiyahin ko.

Pero lumingon muna siya bago sila umalis at binigyan ako ng ngiting naging dahilan ng aking hindi matatawarang kasiyahan noong gabing iyon.

Lumipas ang mga araw na hindi maalis-alis sa isip ko ang ngiti nyang iyon.

Ngiting kasing tamis ng kendi at kasing ganda ng mga bituin.

Ngiting gagawin ko ang lahat, masilayan ko lang itong muli.

Hindi ko na siya muling nakita mula noon, hanggang sa magsimula muli ang pasukan.

Una akong dumating sa silid-aralan, nasa ika-apat na baitang na ako noon at nagdo-drawing ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Hindi ko nalang ito pinag-tuunan ng pansin sa pag-aakala kong mga kaklase ko lang iyon.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtayo ng pigura ng taong iyon at nilibot ang buong silid-aralan.

Malapit na akong matapos ng maramdaman ko ang pagtibok ng malakas ng puso ko, habang papalapit ang pigurang tumayo.

Pagkatapos na pagkatapos kong mag-drawing ay siya ring paghinto ng pigura ng isang babae sa aking harapan kung kaya't tiningla ko siya.

At sinalubong niya ako ng isang ngiti.

Ngiting kaytagal ko ng gustong makita.

Naging malapit na magkaibigan kaming dalawa hanggang sa kami'y nasa hayskul na.

Doon ko napagtantong mahal ko na pala siya.

Umamin ako sa kanya, at laking tuwa ko ng sabihin niyang gusto niya rin ako.

Naging kami na simula noon hanggang sa mag-kolehiyo kami.

Ngunit naging g*go ako.

Niloko ko siya.

Sinayang ko ang pagmamahal na inalay niya sa akin.

Kaya't iniwan niya ako.

Ayoko mang aminin noon, pero nasaktan talaga ako.

Pinakita ko lang na hindi ako naaapektuhan para protektahan ang punyetang Ego ko.

Hanggang sa umalis siya.

Akala ko makakalimutan ko rin siya pero hindi.

Mas lalo ko siyang hinanap-hanap.

I craved her presence more.

Lumipas ang ilang taon.

Nakakuha ako ng trabaho bilang Assistant ng may-ari ng kompanyang iyon.

Unang araw kaya nagmadali akong makapunta upang hindi ako ma-late.

Naniniwala kasi ako sa "First impression lasts".

Pero hindi ko naman akalain kung sinong una kong makikita sa unang araw kong iyon.

Parehas kaming nagulat ngunit agad naman siyang nakabawi kaya pumasok na siya ng elevator.

Ang awkward dahil kami lang dalawa at sobrang tahimik ng atmosphere.

Kakausapin ko na sana siya kaya lang bumukas ang elevator at nagmamadali siyang lumabas.

Mga ilang segundo akong natulala bago natauhan ng papasara na ang pinto kaya nagmadali rin akong lumabas.

Akala ko kinalimutan niya na ako.

Kinakausap niya ako pero alam kong iba pa rin.

Until I confronted her.

Humingi ako ng tawad.

Inamin ko sa kanya na mahal ko pa rin siya.

She just stood there motionless, watching me kneeling in front of her.

Alam ko naman kasi na kasalanan ko kung bakit kami humantong sa ganito.

Iniwan niya akong nakaluhod doon.

But I never gave up.

Sinuyo ko siya ng sinuyo.

Hanggang sa unti unti siyang nag open up.

Hanggang sa muli niya akong tinangap sa buhay niya.

Yes, I broke her and we separated.

But still.

She accepted my sorry.

She had me back.

We had each other back.

She defended me from everyone that says I'm not worth it.

We faced all the problems that came.

But she was the one who leads us to happiness.

Because she never gave up.

And so I tried my best to keep up.

I tried my best to lead our love too.

And here I am now.

Telling this story.

Telling her our story."

Nginitian ako ng babaeng katabi ko at nagsalita muna siya bago unti unting ipinikit ang kanyang mga mata.

Tumulo ang aking mga luha ngunit kasabay nito ay ang pagsilay ng isang ngiti sa aking labi.

Hindi ko kailanman kakalimutan ang mga huling katagang binigkas niya bago siya magpahinga.

"Mahal na mahal kita, at hihintayin kita sa kung saan man ako patungo. Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal."

It was not perfect love.

But it is worth remembering.

- 180823 -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon