Tayo
Ano nga ba tayo?
Alam ko namang tao, wag ka ng mamilosopo
Ay,wala palang tayo
Pero bakit ang sweet natin sa isa't-isa?
Na alam naman nating walang tayo?
Ang sakit isipin
Na ginagawa mo na nga ang lahat, pero di parin
ikaw ang magawang mahalinPaulit-ulit na umaasa
Umaasa na mahal mo 'ko
At sa paulit-ulit na 'yan
Nasasaktan ako
Sana ako nalang siya
Siya, yong mahal mo at pinapantasya
Pero malabong magkatotoo
Kasi mag kaiba naman kami ng anyo
Bakit ka pa ba naghahanap ng iba?
'Yong iba na, sinasaktan ka lang at binabalewala?
Nandito naman ako
Willing magpakagago
Aalagaan ka kahit kailan
At, mamahalin hanggang sa'king kamatayan
Di ko lang talaga maintindihan
Wala namang tayo pero bakit ako nasasaktan?
Ang sakit na talaga
Patuloy na umaasa
Kahit na nagmumukha ng tanga
Mahal nga kasi kita
At, kung wala ka namang nararamdaman para
sa'kinNa kaibigan mo lang ang turing sa'kin
Mas mabuti nalang maghiwalay na tayo
Na alam ko namang walang tayo
Kasi nahuhulog ako sayo
Pero tangina gago ba't di mo ko sinalo?
'Di ba ako ang karapat-dapat sayo?
Kasi ako pinapangarap na ang tayo, ay magiging tayo
Na ang tayo, magkakatotoo
Na ang tayo, ay yong ikaw at ako.