Mga Uri Ng Tao

3.1K 21 3
                                    

Real talk, bibihira na lang talaga ang kaibigan na hindi nang-iiwan, noh? Kasi ngayon, nalingat ka lang, wala na friendship niyo agad. Kung sino pa yung pinagkatiwalaan mo buong oras na yun, siya pa yung mawawala din pala. Waste of time diba? Kasi lahat naman tayo, gusto natin mag-stay as 'kaibigan', kung hindi man, e di, 'ka-ibigan'! Magpakatotoo tayo dito.

 Waste of time diba? Kasi lahat naman tayo, gusto natin mag-stay as 'kaibigan', kung hindi man, e di, 'ka-ibigan'! Magpakatotoo tayo dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May dalawang klase ng tao pagdating sa friendship. May mga taong halos walang kaibigan. As in, kung hindi mo papansinin, hindi ka rin papansinin. Tahimik lang sa isang lugar, mag-isa, wala kasamang kumain, wala kasamang gumala. Meron namang mga taong palakaibigan masyado. Yung isang tumpok o grupo ang kinakaibigan. May iba pa nga, lahat kaibigan. As in masyadong bibo, lahat na kinausap. May mga taong ganun talaga, lakas ng fighting spirit, at merong kapal ng mukha para magreach out sa mga di nila kilala at makipag-friends. Well, isa ako dun -- sa halos walang kaibigan. Parang di nag-eexist. Yung nasa isang lugar lang. Minsan solo, walang kausap, walang kasama. OK lang naman ako. Medyo OP nga lang. Sa trabaho kasi silang magkakaibigan, nagkakaintindihan. May mga pinagkukwentuhang mga bagay, about sa mga lakad nila, about sa buhay nila o buhay ng ibang tao. Ganun. Ako, ito, headset lang at focus sa trabaho. Taong bahay, diretso uwi after work. Walang social life. Sakto lang naman sakin, basta may libro, music, arts, cellphone, at pagkain, masaya na ako.

Tahimik na buhay eh. Hanggang isang araw, may bagong hire sa kumpanya. Kebs lang ako. Ni hindi ko nga alam na may na-interview pala. Sabi ko naman sa inyo eh. Wala akong nasasagap dito. Samantalang yung mga kaopismate ko na-stalk na nila. At alam nila na magsa-start na daw siya bukas. Kaya pala may nakahandang PC at upuan na sa tabi ko. Yung dating bakante, meron nang uupo.

N̶o̶t̶ Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon