Part Two

34 5 0
                                    

[MULTIMEDIA: OUR ADORABLE GIRL, KALANCHOE 😍❤ ]

Part Two: The (Un)wanted Guest

[Kalanchoe Kong]

Haay nakaka-miss.

Nakatulala lang ako sa kisame at parang sirang sisinghot singhot. Miss ko na si baklang Lavend.

"Tumigil nga kayo diyan"

Napatingin kaming tatlo nina Trix at Verone kay Denzy nang magsalita ito. Kung normal na araw siguro, baka pinagtawanan na namin si Denzy. Pero nakakagulat na miski isa sa amin ay hindi tumawa ni nagsalita man lang. Para kaming mga zombies. May malaking eye bags, gulo gulo ang buhok, at may laway laway pa sa gilid ng bibig. Alas tres na ng hapon pero ni isa sa amin ay hindi pa nakakaligo.

"You have to get over her" parang baliw na sabi ni Denzy habang pabalik balik na lumalakad.

"Pwede ba Denz, hayaan mo muna kaming mag-emo, siyempre miss na namin si baklang Lavend" walang ganang sabi ni Verone at parang robot na napatango tango kami ni Trix.

"Nakakapanibago kasing wala na tayong maingay na bata dito, wala na yung nauuto natin, at wala na yung bb natin.. huhuhu" Napapikit ako nang biglang tumulo yung luha ko dahil sa sinabi ni Trix. Bad trip naman o! Hindi ako emo pero pagdating sa mga taong malapit sa akin, madrama talaga ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Denzy. "Kung makapagsalita kayo, parang namatay na si Lavend. Buhay pa 'yon, at bibisitahin kayo no'n kapag pwede." Naupo siya sa higaan niya at napabuntong hininga ulit. Pakiramdam ko, kahit hindi naman masyadong close si Denzy kay Lavend ay mahalaga ito para sa kaniya, kaya kung makabuntong hininga 'tong babaeng 'to, daig pa ang nabagsakan ng langit at lupa.

Pero haays. Paano ko naman kaya makakausap si baklang Lavend? Wala akong cellphone, wala din akong contact niya.

"Kalanchoe.."

Napatigil kaming lahat sa page-emo at napalingon sa bagong dating. OMG! SI CRUSH PALA!! Feeling ko, nawala na yung ka-emo-han ko. Pero sandali! Pasimple kong inamoy ang hininga at katawan ko para sure kung kakaiba bang mahika ang lumalabas, at nang masigurong wala ay mabilis akong umalis sa higaan ko para ngumiti ng malapad with matching kaway pa.

"Hi crush" pero gaya nang nakasanayan, inirapan niya lang ako. Pero syemmay!, kahit ganoon ang ginawa niya ay kinilig pa rin ako.

"You have a visitor" Tipid niyang sabi saka mabilis na sinarado ang pinto. Nagsitawanan naman yung mga baliw, ang sarap isako e.

Pero ano ba 'yan! Agad kong binaba ang kamay kong nakataas kanina pa dahil kapag pinagpatuloy ko ito, baka lalo lang lumala ang pang-aasar ng mga baliw sa akin.

"Parang nawala yung lungkot ko a" agad na bumangon si Trix at pinunasan ang luha niyang hindi ko alam kung dahil sa pag-alis ni Lavend o dahil sa katatawa sa akin kanina.

Bumangon din si Verone at nag-unat unat. "Alam niyo, na-realize ko na kung ganito ang ginagawa natin, at makikita tayo ni Lavend, ay malakas 'yong tatawa at mang-aasar"

"Bingo!" Narinig kong bulong ni Denzy na ikinangiti ko ng beri slayt.

"Yieeee~ dumadami na ang sinasabi ni Denz" pang-aasar ko at umirap lang siya. Wahaha, balik nanaman sa normal ang lola mo.

Pero wait, muntik ko nang makalimutang may kailangan pa pala akong gawin.

* * *

"Madeaaaaaaaaaaaaaar!" Halos lahat ata ng baliw at mga bisita nila ay napatingin sa akin nang marinig ang sigaw kong umalingawngaw sa buong silid.

MENTAL GIRLS 2: Kalanchoe Kong #TOA2018 #KidlatAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon