BILANG

0 0 0
                                    

Isa, isang araw ng makausap ka
Dalawa, dalawang ngiti na gumuhit sa labi
Tatlo, tatlong paraan para makausap ka
Apat, Apat na beses kong sinabi na MALI
Lima, Limang minuto ng masulyapan kang muli
Anim, anim na salita ang binitawan
Pito, pitong luha ang pumatak
Walo, walong araw di maalis sa isip
Syam, syam na buwan bago mawala ang sakit
Sampu, Sampung pangako na napako
Labing isa, labing isang dahilan kung bakit di ka sinukuan at binitawan.
Labing dalawa, labing dalawa pagkakataon na iyong binitawan, sinaktan at muli pading binalikan dahil lang wala ka na ulit mapag.laruan.
Labing tatlo, labing tatlong kabanata sa libro ng buhay ko ang inialay ko sayo ngunit sinayang mo.
Labing apat, labing apat na taon na binigay ko sayo lahat at ibibigay ko pang lahat pero para sayo hindi padin pala yun sapat.
Labing lima, labing limang beses ko lang narinig na sabihin mong "Mahal din kita".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BILANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon