Sa loob ng isang taon, itinago ko ang kwentong ito.
Hindi ko maalala kung naikwento ko ito ng buo kahit sa pinakamatalik kong kaibigan. Maari? Pero pahaging.
Bakit nga ba? Siguro, dahil ayaw ko maalala ang panghihinayang na meron ako noon. Panghihinayang na kapag naririnig ko ang kantang 'Walang Hanggan' ni Quest, parang kinukurot pa din ang puso ko.
Hindi ito kasing grande ng mga kwentong sinusulat ko. Hindi ito isang kwento na sinulat ko na may magandang katapusan. Isinulat ito ng Panginoon para turuan ako maging matatag.
Kung gusto mo magpatuloy, salamat. Kung hindi, aking nauunawaan.
Ito ay isang mahabang pagsasalaysay kung paano nagkaroon ng Simula at Katapusan ang kwento naming dalawa.
Ang kwentong hindi naman nagsimula.
BINABASA MO ANG
The Story of Us That Never Was.
RandomIto ay isang mahabang pangsasalaysay ng isang manunulat para lamang mailabas ang kanyang nararamdaman. Sinulat ito para matapos na ang isang kwentong hindi naman talaga nagsimula. Dalawang bahagi lang ito sapagkat may mga bagay na hindi naman nadudu...