prologue

15 1 0
                                    

"My, kailangan niyo po ba talaga umalis?" Kakarating lang nila last week, but they're leaving again.

Bakit ganito? Dadating kayo, pero aalis din naman pala.

Halos lahat ng dumadating sa buhay ko, umaalis.

Ka iwan iwan ata talaga ko. Yon ang laging nasa isip ko.

"Sorry sweetheart, we really need to go, I promise, we'll be right back after a month." A month?!

Laging ganon, mom and dad. They're leaving for work. I understand that.

Nagtatrabaho sila para sa akin, pero hindi man lang kami nagkakaroon ng quality time together. Siguro nagkaroon, nung bata pa ako. Pero ngayon? Maybe once kapag umuuwi sila.

Naiiyak ako pag naaalala ko yun, but what do you expect from me? Bata pa lang ako. I need attention from my parents.

Tumango nalang ako at yumakap kay Mommy and Daddy.

"I love you, both. Take care." Bulong ko sa kanilang dalawa habang nakayakap. I will miss them so much.

"We love you too, sweetheart. Mag-iingat ka din dito, wag matigas ulo."

Pagkatapos nun, umalis na din sila. Flying back to US. Maraming inaasikaso ang mga parents ko sa business.

Naisip ko, may umalis nanaman.

When I was 10 years old. My grandmother left. Inintindi ko yon, hindi naman niya ako iniwan. Ayos na sakin yon kasi hindi na mahihirapan lola ko. But why, I feel being left?


My lola is so precious to me. She taught me everything. To understand my parents. When I feel sad, andiyan siya.

Pumasok ako sa kwarto ko at tumapat sa bintana, nagmuni muni.

Naisip ko yung sinabi ni lola dati, 7 years ago.

"Apo, lagi mong tatandaan. Hindi kita iiwan. Magpapahinga lang ako, pero andiyan ako sa tabi mo lagi, mararamdaman mo yun" sabi ni lola, nakaupo ako sa tabi niya.

Kahit bata lang ako, alam kong mahina na si lola.

"People will always come and go, apo. Pero yung mga totoo, they will stay."

"But! Remember, hindi lahat ng umaalis, iniiwan ka. Baka kailangan lang." Sabi ni lola habang nakatingin ang mga malulungkot niyang mata sa akin.

Inakap ko si lola non, sabay ng pagtulo ng mainit na tubig sa gilid ng aking mata.





Tumngin ako sa taas para pigilan ang mga nagbabadyang luha mula sa aking mata.

Naiintindihan niya talaga ko. She knows what i've been missing. Ang sagot sa mga tanong ko.

Simula bata ako, kahit mga kalaro ko iniiwan ako. Uuwi ako ng luhaan at sasalubong si lola sa akin.

Bata pa lang ako nun pero tandang tanda ko yung mga sinabi ni lola.

Hanggang ngayon dala dala ko pa rin iyon sa isipan ko. Kapag may umaalis na mahalaga sa akin,lagi kong naiisip ang mga paalala ni lola. Na baka nga, kailangan lang kaya umalis sila.

Kahit papaano, nababawasan ang sakit na nararamdaman ko kapag naaalala ko yung mga sinabi ni lola.

I always thank my lola for that.

"La, pangako. Hindi mawawala sa isipan ko yun." Bulong ko sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where Have You Been?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon