(MADAM D)

175 12 3
                                    

Jaki P.O.V.

     Grabe daig ko pang palaging haharap sa giyera kung itatanong niyo kung kamusta ako? Sagot ko hindi.

     Grabe naman kasi boss ko daig pang nagmemenopause eh bakla naman. Sobrang sungit wala ng nakitang tama, kung hindi ko lang talaga kailangan ng tarabaho umalis na ako dito.

"Ms. Gonzaga!!!!"

Yan na po speaking of the devil.
"Andiyan na po madam" kainaman talaga hindi ba siya marunong tumawag ng maayos, lagi na lang paggalit.
"Yes po madam" may pag-uutos po kayo sa akin?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Malamang tatawagin ba kita kung wala isip isip din"

Jaki relax!!! Kalma lang.
"Hehehe ano pong ipag-uutos niyo?"

"Pakitawagan si carol sabihin mo i need the design now.!! Iritableng sabi niya.

"Yes po madam" at nagtungo ako agad sa telepono para tawagan si ma'am carol.

"Hey, ano sa tingin mo ginagawa mo?"

Tanong niya sa akin.
"Tatawagan po si ma'am carol, di ba po sabi niyo?"

"Sinabi ko bang sa telepono mo siya tawagan" mataray na sabi naman niya... Ha?

"You mean pupuntahan ko po siya?" D makapaniwalang tanong ko.

"Mismo"

Tuwang sabi niya, may saltik yata ito eh.
"Pero po madam pwede naman po tawagan na lang po sa telepono ah, di po ba? Para makasave ng time" go Jaki push mo yan baka makalusot. Pwede naman kasi talaga pahirap lang siya.

"No hindi pwede!! Kaya go puntahan mo na siya"

Kainam naman talaga oh.
Nasa top floor kami tapos sa ground floor ako pupunta, hustisiya naman. Tapos kailangan ko pa matapos ibang pinagagawa niya.
"Pero madam" pangungulit ko parin.

"Ms. Gonzaga ako ba talaga ay ginagalit mo? Sino ba ang boss sa ating dalawa?" Galit na tanong niya.

"Kayo po"

"Eh yun naman pala, kaya go puntahan mo na siya at madami ka pang gagawin di ba?"

Bwisit talaga.
"Opo madam"

"Good, ano pa hinihintay mo go na, lalo ankung naiistress sayo nababawasan ang beauty ko"

Wow ha.
"Beauty daw akala mo naman meron siya nun" bulong ko.

"May sinasabi ka ba Ms. Gonzaga?" Tanong niya.

"Po? Wala po sabi ko po ay aalis na po ako sige po MADAM D este G pala" woah muntik na yun buti na lang hindi niya narinig kung hindi patay ako!. Pero mas bagay talaga yung MADAM D (Devil) hahaha kaysa sa ganda...
Asar talaga!!! May araw din siya sa akin. Pasalamat siya boss ko siyan

Comment kung my nagbabasa nito

Can't Fight This Feeling AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon