Part 1

1.9K 28 3
                                    

*****UNEDITED*****


"I'M NOT DRUNK," bulong ni Angel sa sarili habang tinititigan ang halos nangangalahati nang bote ng Soju sa harapan niya. "I'm Not Drunk pala ang translation ng Korean words na 'yon."

She was talking about the name of the bar she was in at the moment. Sumulyap siya sa labas ng glass window mula sa kinauupuan niya. Medyo maliwanag pa sa labas kahit halos mag-alas otso na ng gabi kahit mukhang makulimlim ang kalangitan. Ganito yata talaga sa probinsya na ito ng Jeju Island sa South Korea. Matagal bago tuluyang magdilim.

"'Tang ina, bakit ang tagal mong dumilim?" Suminghot siya dahil parang magkaka-sipon na siya sa lamig ng klima. "Tang ina, bakit ang lamig? May aircon pa ba sila ng lagay na 'to?" Napansin niyang unti-unti na ring bumuhos ang ulan. Kaya pala mas lalong lumamig ang panahon. "Tang ina lang..."

Yep, she was in Jeju Island. Seogwipo City, to be exact. Kaninang umaga lang siya dumating at nakatulog maghapon dahil sa pagod. Halos sampung oras din kasi ang biyahe nila mula Manila, with stop over in Hong Kong. Pagdating pa niya ng Jeju International Airport ay kinailangan pa niyang bumiyahe uli ng dalawang oras sa limousine bus papunta naman sa Seogwipo. Napasarap ang tulog niya dahil sa lamig ng klima kaya hapon na rin siya nagising at nakapaglakad-lakad sa palibot ng Seogwi-dong area para maghanap sana ng makakainan. Dito nga sya sa I'm Not Drunk bar nakarating. Good thing na may makakain naman sa bar bukod sa paglaklak ng Soju. Karamihan nga lang ay maanghang talaga, pero keri na basta may mailaman sya sa tiyan bago siya nakipagtagayan ng alak sa hangin.

Dinampot ni Angel ang bote ng alak saka muling nagsalin sa shot glass at inisahang lagok iyon. Halos mangulubot ang mukha niya sa lasa ng alak. Pero wala siyang pakialam. She was on a foreign land, she knew no one, recognized no one, and she was feeling like hell for almost a week now that all she wanted was to forget everything with alcohol. May isang mukhang Pinay sa isang table doon na gaya niya ay kapiling din ang ilang Korean food at bote ng Soju. Pero hindi siya nag-aalala na baka i-judge sya nito dahil hindi rin naman siya sigurado na Pinay nga ito. Ilang beses na rin kasi siyang nagmukhang tanga sa pakikipag-usap sa mga Malaysians at Indonesians sa guesthouse na tinutuluyan niya sa pag-aakalang Pinoy nga mga ito dahil kakulay ng mga Pilipino.

"Op—ppaaa, jeogyo...!" tawag ng naturang babae sa lalaking crew ng bar.

"Oppa... tang ina," bulong niya. Angel turned her attention back to her beloved Soju. "Jeogyo, tang ina."

Nakitawag din siya ng crew para magpadagdag ng inumin sa table niya kahit parang umiikot na ang paningin niya. But she was feeling so light so...fuck shit, di ba?

Isang linggo na niyang itinatago ang lahat ng hinanakit niya dahil sa nangyari sa lintik niyang lovelife dahil ang gagong boyfriend niya ng tatlong taon, hayun at nakabuntis pala ng ibang babae.

"'King ina nya..." Napapahikbi na siya habang patuloy lang sa paglaklak ng alak. Sumubo siya ng isang piraso ng rice cake na lumulutang sa pulang-pulang sauce na hindi na niya maalala ang pangalan. Para na naman siyang sinipa dahil sa anghang pero wala na siyang pakialam. In fact, gusto na nga niyang higupin ang sabaw sa pagbabakasaling sa sobrang anghang ay maging manhid na ang pakiramdam niya. Baka sakali, kahit sandali lang, mawala itong tila walang tigil sa pagkawasak na drama ng puso niya.

"Op—paaa, soju juseyo...du!"

Nilingon uli ni Angel ang babaeng parang malakas na ang tama. Nasa tapat na nito ang lalaking Korean crew at isa pang babaeng Korean na nakita niya kanina na nasa likod ng counter. Galit ang boses ng babaeng Korean habang kausap ang crew.

"Tang ina, may away." Pero may dumating na matangkad na lalaking Korean at ki nausap ang dalawang crew na agad nagpahupa sa tensyonadong sitwasyon. "Tang ina, istorbo."

Handa pa naman sana siyang makisawsaw sa gulo kung sakali. Wala lang. Gusto lang niyang maglabas ng matinding frustrations na nararamdaman niya. Kaya ibinalik na lang uli niya ang atensyon sa pag-inom. Napalingon lang sya sandali sa pinto ng bar nang may babaeng pumasok na basang-basa. Mukha ring Pinay. Still, she doubted that. And still...

"Wala rin akong pake."

Tuloy-tuloy na ang paglaklak niya ng alak hanggang sa napansin niyang parang napupuno na ng kulay green ang mesa niya. It took her a while to focus her attention, and realized the green things were the bottles of Soju on her table. Sinubukan niyang bilangin ang bote pero di siya makaalis-alis sa number four. Teka, apat na nga ba 'yon? Hindi na siya sigurado dahil umiikot na ang paningin niya at baka dumudoble lang ang vision niya kaya mukhang marami ang bote na alak sa mesa niya.

"Shit. Parang lasing na ako. Kailangan ko nang umuwi." Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng jacket at sinimulang mag-dial ng numero. "Teka, wala nga pala ako sa Pilipinas. Hindi nila ako masusundo..." Dumulas din ang pagkakahawak niya sa cellphone at bumagsak iyon sa plato ng pulang sauce sa harapan niya. "Ay, tang ina..."

Naka-apat na beses siyang subok na dampot sa cellphone bago siya nagtagumpay. She started sobbing heavily.

"Bakit ang lagkit mo...tang ina ka...ang landi mo...hayup..." May lovesong siyang narinig sa background music ng bar. Napatingin siya sa malaking screen ng tv sa likod ng counter. The Korean guy with eyeglasses was singing the most heartbreaking song she had ever heard in her life. Kahit di nya maintindihan, parang nilalamukos pa rin ang pakiramdam ng puso niyang bugbog sarado na dahil sa matinding kabiguan. "Tang ina mo...nag-aano ka pa, eh..."

Magrereklamo sana sya sa crew na patayin na lang ang tv o kaya ay palitan ng channel. Pero sa huli ay hinayaan na lang niya dahil konting lingon lang niya ay parang matutumba na siya sa sobrang pagkahilo. Hindi na rin niya halos maitaas ang kamay para magtawag ng atensyon ng crew. Napaiyak na siya nang tuluyan dahil tagos sa puso at kaluluwa ang naririnig niyang kanta kahit wala siya maintindihan sa Korean lyrics. Tinigilan na niya ang paggamit ng shot glass at diretso nang nilaklak ang alak mula sa bote. Sunod-sunod ang lagok niya dahil halos hindi na rin niya malasahan ang alak. Manhid na yata ang dila niya. Good. Sana pati ang puso niya ay maging manhid na rin.

Pero ang sabi nga ng love quote na natiyempuhan niya sa paggala sa Internet, 'Heartbreak numbs everything but pain.' Tang ina lang, 'di ba? Meron pang isa. 'There are plenty of ways to die. But only love can kill and keep you alive to feel it.'

"Tang ina mo, Leo Christopher!" reklamo niya sa nagpauso ng huling love quote na nabasa nya sa Internet.

"You have a very colorful language tonight, Angge."

Sa kabila ng nanlalabo at umiikot niyang paningin, nakilala pa rin ni Angel ang lalaki na nasa harapan niya ngayon.

The boy from her teenage years.

Her first heartache.

And her first ex.

"Tang ina mo. Isa ka pa, eh."

My #CarGel Heart (The Soju Trilogy: Wasted In Jeju)Where stories live. Discover now